Presidente ng NBSB Entry 36: Dea's Day

379 24 4
                                    

AUTHOR: I dedicate this to msknowhere dahil isa siya sa mga nabitin sa last chapter HAHAHA. Natutuwa ako na may nakakaappreciate ng work ko (sabay punas ng tissue sa mukha, joke lang HAHAHAHA). Ito na pala yung hinihintay natin :). 

    Keep safe everyone :)

Dea's Day

     Surround yourself with the right people

-----

May naririnig akong ingay sa labas pero hinayaan ko lang at hinila yung kumot hanggang sa ulo ko. Aish peste si Jendrick kagabi, hindi ako pinatulog. Bakit ako binigyan ng ganon? Close ba kami? Friends ba kami? Ano yon? Mga ganong galawan....

Hindi ko alam kung anong oras ba ako nakatulog o nakatulog nga ba ako. Siya pa ang unang bumati sa akin. Teka paano niya nalaman yung birthday ko? Ay nakalagay pala sa facebook. Ano iyon? Nagfafacebook ba siya nun?

Bakit ba inistress ko sarili ko? Ayos pa ba ang daloy ng takbo ng utak ko? Okay sana kung si Drake unang bumati, joke lang.

"Ate! Ate"

Inalis ni Darryl yung kumot, nakauwi na pala ito? Bakit hindi ko narinig na may pumasok kagabi? Or kanina?

"Ano ba" sabi ko at tinalikuran siya.

"Halika dali"

Tiningnan ko naman siya na may antok sa itsura ko. Nakatulog ba talaga ako?

"Bakit?"

"Basta halika na"

Hindi ko alam kung bakit nagmamadali siya. At saka yun agad yung bungad niya sa akin? Wala man bang pagbati?

"Oy may nakakalimutan ka ata"

Pero wala akong nakuhang sagot dahil tumakbo siya palabas. Ayos lang ba iyon? Naghilamos muna ako sa banyo bago lumabas ng kwarto. Hindi ko na inabala ang sarili ko sa pag-ayos bukod sa maghilamos. Baka sakaling mahimasmasan

Nakapajama ako at oversized na t-shirt. Ganito ako matulog. Hindi na rin ako nagpalit dahil nagmamadali yung kapatid ko.

Nagkakamot ako na lumabas at nagulat na lang ako ng makarinig ako ng tunog, pinicturan ako. Kasabay nun ay may sumabog na confetti sa mukha ko. May nakain pa ako.

"HAPPY BIRTHDAY!"

Inadjust ko yung tingin ko at nakita sila Ely. Napatingin ako kay Papa na katabi niya si Mama. Napatakip ako sa bibig ko kasi wala pa akong mumog tapos nandito si Mama.

Pero nandito si Mama?

"Ayos ka na Mama?"

Tumango lang siya at lumapit yung kapatid ko sa akin na may dalang cake.

"Make a wish"

Nakita ko si Gelo na may tinatawanan sa camera, tumingin doon si Ely at tumawa rin. Oo nga pala, kinuhanan ako ng litrato na ganito yung itsura ko.

Napailing na lang ako at pumikit saka nagwish.

Sana lahat ng taong malapit sa akin ay maging masaya, lalo na ako. Sana maging maayos ang takbo ng buhay ko

Pagkatapos kong magwish ay nagblow ako. Saka ko lang narealize,

"Ano ba yan" sabi ng kapatid ko at nakatakip yung ilong niya. "Nagmumog ka ba?"

Presidente ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon