Ian
Hindi ako nagsasalita. Nakatingin lang ako sa kanya. Bakit di ka magsalita? Yan ang sinasabi ko sa sarili ko. E kasi naman, sa dalawang beses na pagkakataon na naka-encounter ko siya. HINDI SIYA NAGSASALITA.
"Hindi ka pipe?"
Agad kong tinakpan yung bibig ko sa sinabi ko. Napakanays.
Tinaasan niya lang ako ng kilay at nilagpasan. Pero bago pa siya pumasok sa room, hinawakan ko kaagad yung braso niya. Tumingin siya sa hawak ko at sa mukha ko.
"Wala ka man lang bang sasabihin?"
Tinagilid niya yung ulo niya habang nakatingin sa akin, "Hindi mo ba ako namumukhaan?" tanong ko ulit. Tumingin siya sa taas na para bang nag-isip siya, kahit hindi naman -.-
"Sa pagkakaalam ko, wala akong atraso sayo" sabi niya.
"Muntik mong masagasaan" sabi ko.
"Hindi naman ikaw yung matanda" sabi niya. SO HINDI NIYA AKO NAKITA? ABA'T.
Inalis niya yung pagkakahawak ko sa braso niya at nagsalita, "Hindi ko tinatandaan yung mga pagmumukha ng mga taong tatanga-tanga sa kalsada"
Napanga-nga ako sa sinabi niya. HA! Di ko alam kung matutuwa ako dahil nagsalita siya o mababanas kasi di ko gusto yung tabas ng dila niya.
Nilingon ko siya at nakitang umupo sa upuan niya. Tsk.
Pinigilan kong mainis kaya pumasok ako sa room, kunwari di galit. GRRRR, sarap talagang tuluyan yun. Ako? HA AKO PA YUNG TATANGA-TANGA SA KALSADA?!
Hindi na ulit kami nagka-usap nung nilalang na matabas na dila. Mas gugustuhin kong di na lang siya magsalita kapag nakakaharap ko siya, NAISTRESS LANG AKO SA TABAS NG DILA NG LALAKING YUN.
Narinig namin ang ingay sa labas, hudyat na lunch break na. Niligpit ko yung gamit ko at sabay kaming lumabas ni Ely sa labas.
"Dito na lang tayo sa school kumain, bili na lang tayo ng ulam sa labas" sabi ni Ely.
Tumango ako at bumaba na kami. Bago kami lumabas ng gate, nagtap muna kami ng ID at iniwan yung bag namin sa pwesto na pagkakainan namin.
Paglabas namin ng school, bumili kami agad ng pagkain. Di ko kwinento kay Ely yung pagkausap ko kay ano, di ata usap tawag doon, panlalait ang ginawa niya.
Syempre ngangawa na naman siya, baka mabangasan ko lang siya. De joke lang, mahal na mahal ko kaya si Ely, kahit may saltik siya.
Pagkabili namin ng pagkain, pumasok na kami agad sa school at kumain sa pwesto namin sa recess nun. Habang kumakain kami, tumitingin ako sa paligid.
"Mukha kang may hinahanap" sabi ni Ely. Hindi na lang ako nasalita at agad kumain.
"Dea?"
Agad akong napatigil sa pagkain at lumunok. Kinakabahan akong nilingon kung sino yung tumawag sa akin. Nilingon din ni Ely yung taong yun. Napabuga ako ng hangin dahil sa kaba.
"Ninang" sabi ko at nagmano.
"Buti at naisipan mong lumipat dito"
Nilingon niya si Ely, "Kaibigan mo?" sabi niya at tumango ako. Pinakilala ko si Ely, "Ninang si Ely. Ely, ninang ko"
"Good afternoon, Ma'am Adele" sabi ni Ely. Tiningnan ako ni Ely, parang sinasabi niya na 'May ninang ka dito?'
Binati din ni Ninang, este sige na nga Ma'am na nasa school pala kami. Tumingin ulit sa akin si Ma'am, "Before ka lumipat, active ka pa sa council sa school niyo?" tanong niya sa akin.
"Hindi po, tinigil ko na po nung nagsenior high po ako" sabi ko.
"Ay bakit? Sayang naman"
"Focus na lang po ako sa pag-aaral"
Napaisip si Ninang, di naman naririnig ng iba kaya Ninang na lang ulit. Hehehehehe
"Sayang naman. Try mo sana yung SC dito. O, aalis na ako ha. May gagawin pa ako sa faculty" paalam ni Ninang.
"Bakit di mo itry yung council? Di naman sa basher ako sa dating mga council pero parang ganon na nga. Di ko gusto yung namuno dati. Di namin feel yung President"
Napaisip ako sa sinabi ni Ely, "Mahirap, lalo na di ako galing dito."
"Hay nako, magaling ka magsalita sa harap. Makipagbarahan kaya mo. Ngayon ka pa mawawalan ng tiwala sa sarili mo?"
Di ko alam kung dapat ba ako matuwa sa way ng pagchecheer up sa akin ni Ely.
"Bahala na" sabi ko at itinuloy ang pagkain.
Lumipas ang ilang oras ay vacant namin o para sa mga estudyante dito ay ICL. Nagpaalam si Ely sa akin na pupunta muna siya ng canteen kaya nauna ako sa library. Gusto ko lang makita yung library nila, at ito ang pampalipas oras ko, ang tumambay muna sa library.
Ang pwesto ko ay nakatalikod sa pintuan, bale ang kaharap ko ay ang aircon. Ano ba yan galing na nga ako sa room namin may aircon, hayaan ko na nga.
Narinig kong bumukas ang pintuan, senyales na may pumasok. Ay malamang Dea may pumasok. Pero pwede namang may lumabas diba?
Umiling-iling ako dahil sa ginawang pagtatalo ng sarili ko. Hindi ko na lang pinansin kung sino yung pumasok at tumunganga sa library.
Kung tinatanong niyo ako bakit hindi ako nagbabasa, sabi ko nga diba? Tambay lang ako sa library, minsan lang ako magbasa, pag may dala akong libro. Nakalimutan kong kunin yung libro ko sa bahay.
Hays
Tumayo ako at nagdesisyon na puntahan na lang si Ely sa canteen, baka may gusto din akong bilhin doon.
Paglingon ko, may nakita akong lalaki. Siya siguro yung pumasok. Alangan namang lumabas diba, edi sana di mo nakita.
"Salamat po"
Maglalakad na sana ako ng marinig kong magsalita yung lalaki. Gulat akong tiningnan yung likod ng lalaki. Di ako pwedeng magkamali sa boses na yon. Lumunok ako at naalala yung sinabi sa akin ni Gelo.
"Nakalimutan mo na bang dito siya nag-aaral?"
Naglakad palabas yung lalaki at hindi ko alam kung bakit sumunod ako.
Anong ginagawa mo Dea?
Nakita ko siyang bumaba ng hagdan, kaya sumunod ako. Baka nagkamali lang ako ng marinig ko siyang magsalita. Pero para makasigurado, sumunod ako.
Nakarating kami sa baba ng building namin at nakita ko yung ibang kaklase ni Gelo. Kasection siya ni Gelo. Paano ko nakilala yung mga kaklase ni Gelo. Nakita ko yung mga mukha na kasa-kasama ni Gelo kaninang tanghali kaya di ako pwedeng magkamali.
Gusto kong tawagin siya pero wala akong lakas ng loob. Paano kung mali ako ng inakala.
"Dea!"
Narinig kong sumigaw si Ely at nakita ko siya sa di kalayuan. Kumaway siya sa akin. Napatingin ako sa taong sinundan ko. Tumigil siya.
Lumapit si Ely sa akin, pero bago siya tuluyang lumapit, tiningnan niya yung taong sinundan ko, "Akala ko ba sa library ka muna?" sabi niya at lumapit.
Hindi ako nagsalita at nakatingin pa din ako sa taong nasa harap ko..
Lumingon ka
Yan ang nasa isip ko. Hindi nga ako nagkamali at unti-unti siyang lumingon. Hindi ko alam kung anong itsura ko ng tuluyan kong makita yung mukha niya.
Tumingin siya sa akin,
"Long time no see, Dee" sabi niya.
"Ian"
Alam kong nagulat si Ely sa sinabi ko,
Alam kong matagal niya ng hindi naririnig yung pangalan na yun mula sa akin. Ako mismo ang tumigil sa pagbanggit sa pangalan niya at eto ako ngayon, binanggit yung pangalan ng taong sagot sa lahat na tanong na bakit sa akin.
BINABASA MO ANG
Presidente ng NBSB
Teen FictionIto ang kwento ng isang babaeng wala atang interes magboyfriend. Ang tangi niyang goal, makasurvive sa highschool ng hindi nakakapagboyfriend. Bakit ito ang naisipan niyang target? Dahil sa highschool life ng isang tao, hindi uso ang NBSB kasi ang u...