Second Suitor
Dear Self, si Batman ka ba? Batmanhid ka
-----
Ramdam ko yung tingin sa akin ng mga kasama ko. Alam kong pwedeng hindi lang ako ang may pangalang Dea ngayon dito, pero AKO LANG NAMAN ANG SC PRESIDENT NA NAGNGANGALANG DEA.
Kita ko ang pagkagulat nila Miko maski si Jendrick na bihira lang magkaroon ng pake sa paligid, nagulat.
Iniabot ni Drake yung mic sa MC. Doon lang natauhan sa pagkagulat yung MC.
"That was....unexpected" sabi ng MC
Kumilos yung paa ko paalis sa pwesto ko. Hindi ko kaya yung tingin ng mga tao sa akin. At nakakahiya. ANO BA DAPAT IREACT KO?
Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Ely pero tuloy-tuloy lang ako na umalis. Pagkaalis ko roon ay pumunta ako sa banyo.
Buti na lang at walang tao sa loob. Pagkapasok ko ay napahilamos ako. Hanggang ngayon ay gulat pa rin ako.
HINDI PUMASOK SA ISIP KO IYON. AYAW MAPROCESS.
Ang tagal kong hindi naranasan yung may umamin. Syempre mas naging mailap ako sa mga lalaki simula nung kay Adrian.
Tinitigan ko yung sarili ko sa salamin. Basa pa rin yung mukha ko galing sa paghihilamos ko.
"Gusto niya ako?" tanong ko sa sarili ko
Nilapit ko yung mukha ko sa salamin at tiningnan bawat anggulo ng mukha ko. Ano ang nagustuhan sa akin ni Drake?
Umayos ako ng tayo at hindi ko napigilang ngumiti.
"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?"
"Wag mong sabihing kinikilig ka?"
"Wow. Dea for the first time kinilig ka rin"
Biglang tumunog yung cellphone ko. Nagtext si Ely, hinahanap kung nasaan ako.
Nagreply ako nasa banyo kanina pa ako naiihi. Wow ihi na pala ang ginawa mong paghihilamos ano.
Kinuha ko ang panyo ko sa bag at pinunasan yung mukha ko. Ngayon ko napagtanto, crush ko si Drake. Crush lang naman, hindi mahal.
"Act natural Dea" sabi ko. "Wag ipapakita ang kilig na nangyari. Wag mong ipahiya yung sarili mo. Doon ka pa naman magaling minsan"
Pagkatapos kong ilabas lahat ng nararamdaman ko doon ay lumabas na ako ng banyo. Baka isipin ni Ely hindi lang pag-ihi ang ginawa ko.
"Dea"
"AYKABAYONGPALAKA!"
Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat. Makakatikim na sana ng one punch itong walang pasabing nagsalita ng makita ko si Drake.
Naging malikot yung mata ko. Hindi ko pa siya kayang tingnan sa mukha. Kailangan ba agad-agad? I mean pwedeng bigyan ako ng oras? Kailangan bang kausapin ako after ng confession?
Hoy Dea parang hindi mo iyan naranasan kay Adrian
"Hey" tawag pansin niya sa akin.
"Ha?Ah...may sinasabi ka?"
Hindi niya napigilan ang pagtawa, "Mukha kang tense"
BINABASA MO ANG
Presidente ng NBSB
Teen FictionIto ang kwento ng isang babaeng wala atang interes magboyfriend. Ang tangi niyang goal, makasurvive sa highschool ng hindi nakakapagboyfriend. Bakit ito ang naisipan niyang target? Dahil sa highschool life ng isang tao, hindi uso ang NBSB kasi ang u...