AUTHOR: Hellooooo ebribade hehe sorry for waitingggg. At dahil naghihintay ka ng update ahihihihi para sa iyo ito. Enjoy reading :)
Okay na
Everyone has a heartbreak that change them
-----
Hanggang sa bigla na lang siyang hindi nagparamdam.
Nung una ay hindi ko iyon pinansin dahil dapat ay hindi lang umiikot yung mundo naming dalawa sa isa't isa pero alam kong may problema pero hindi ko siya magawang kausapin dahil natatakot ako. Paano kung tama yung kutob ko?
"May problema ba kayo ni Adrian?" yan ang tanong sa akin ni Gelo.
"Wala naman" sabi ko
"Bakit ganon?"
Napatingin ako sa kanya, "Anong bakit ganon?"
"Ayaw naririnig ni Adrian yung pangalan mo" sabi niya, "Ewan"
Ewan ko rin, alam ko naman iyon e. Pero di ko naman maisip kung ano ba ang nagawa kong mali. Para siyang galit sa akin na ewan. Hindi naman ako manghuhula para mahulaan yung nararamdaman niya.
Dumating yung araw ng nagsagutan kaming dalawa dahil sa pag-iwas niya sa akin.
"Ano bang problema mo?"
"Wala. Wala akong problema"
Napasapo ako sa noo ko at huminga ng malalim. Matagal nang ganito yung senaryo namin, parang hindi niya ako kilala. Hindi ako nag-eexist sa kanya. Ni hindi nga niya ako magawang tapunan ng tingin.
"Kung ganoon, bakit hindi mo ko tingnan" sabi ko at umaasang lumingon siya pero hindi niya ginawa.
"Ano ba Adrian. Hindi mo ba ako titingnan?" sabi ko pero wala.
Ginawa ko lahat, sinubukan ko siyang kausapin pero yun nga para siyang umiiwas.
"Tumingin ka naman sa akin o" sabi ko. Naramdaman kong tumulo yung luha ko at agad itong pinunasan, "Adrian" tawag ko sa kanya pero hindi niya pa rin ako tinitingnan.
"Ano bang problema mo? Para akong tanga dito. Hindi mo ko kinakausap"
"Kinakausap na kita"
"TANGINANG USAP ITO. PAANONG USAP ITO KUNG HINDI MO KO MAGAWANG TINGNAN?!" hindi ko na napigilan na taasan siya ng boses at nagtuloy-tuloy na yung pagtulo ng luha ko.
Sa sobrang frustration ko ay naihilamos ko sa mukha ang palad ko. Ayokong makita niya akong umiyak pero hindi ko mapigilan. Ano bang nagawa ko? Bakit ganito siya sa akin?
"Ano bang problema mo?" ulit kong tanong.
"Wala nga"
"Hindi ako naniniwala"
"Ganyan ka naman. Hindi ka naman talaga naniniwala sa akin"
Nag-angat ako ng tingin ng sabihin niya iyon. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis kaya umalis ako ng hindi siya nililingon.
Pagkatapos noon, nabalitaan ko na lang na nagkaroon siya ng girlfriend sa school nila.
Kinamuhian ko siya ng malaman ko iyon. Sobra akong nainis at nasaktan. Sabi ko na may mali e, iyon pala yung walang problema.
May mga bagay na sana hindi mo nalang nalaman. Para hindi ka na nasaktan.
At dahil doon, sinabi ko kay Mama na hindi ako lilipat, naintindihan naman nila Ely at Gelo. Maski si Gelo ay nagalit kay Adrian.
Simula noon wala na akong nabalitaan sa kanya. Ginawa kong busy ang sarili ko para hindi ko maalala yung sakit, yung betrayal na natanggap ko.
Dahil doon, mas hindi ako naniwala sa mga sinasabi ng mga lalaki. Magaling sila magsalita, kung hindi ka magiging alerto, makikita mo na lang ang sarili mo na nahulog at durog.
BINABASA MO ANG
Presidente ng NBSB
Teen FictionIto ang kwento ng isang babaeng wala atang interes magboyfriend. Ang tangi niyang goal, makasurvive sa highschool ng hindi nakakapagboyfriend. Bakit ito ang naisipan niyang target? Dahil sa highschool life ng isang tao, hindi uso ang NBSB kasi ang u...