Yu to Sotes
Trusting too much kills you
-----
Dapat matuto tayong tanggapin ang realidad. Ang imahinasyon ay mananatiling imahinasyon at hindi magiging katotohanan. Kung ayaw nating masaktan, hindi dapat tayo umaasa na baka katulad sa libro, magiging ganon din ang storya ng buhay mo.
"Alam mo lagi kang tulala. May problema ka ba?"
Napatingin ako kay Ely ng umupo siya sa harap ko. Pinili kong pumunta ng library kesa sa canteen. May mga tao akong ayaw makita, sa ngayon. Hindi ko kasi maexplain yung nararamdaman ko.
Hindi ko pa sinabi kay Ely yung nakita ko nung bakasyon. Baka kasi mali ang iniisip ko o masyado lang akong praning pero, pero kasi iba yung pakiramdam ko. Feel ko, feel ko pinaglalaruan ako ng mga taong nasa paligid ko.
"Diba sinabi mong pamilyar si Maica sa iyo?"
Tumango siya at nilagay ang siko sa mesa. Sinandal niya ang ulo niya sa kanyang kamay.
"Bakit mo natanong?"
"Baka dahil dito siya nagjunior high diba?"
"Hindi ko alam"
Huminga ako ng malalim at kwinento sa kanya yung nakita ko sa SM. Sinabi ko rin yung pinag-usapan namin ni Adrian. Pero hindi ko inungkat yung dahilan ng hindi paglalaro ng dalawa dati. Hindi ko pwedeng sabihin iyon.
"Iba na ang apelyido ang gamit niya?"
"Oo yun ang sinabi ni Adrian"
"Weird. Baka naman nagkataon lang ang pagkakakita mo doon kila JC at Maica"
"Ewan"
"Stress ka lang sa school work siguro tsaka sa paparating na Foundation Day, iyon na ang huling event mo diba as a Student Council President?"
Baka nga. Pero hindi rin ako mapanatag. Isa lang ang pwede kong makausap tungkol dito. Pinakita ko na lang kay Ely na wala na akong pakialam doon sa nakita ko at naging busy sa program. Galing natin magpanggap ano Dea.
"Jendrick"
Nandito ngayon si Jendrick sa SC room nakatambay. Kahit anong sabi ko sa apat na huwag gawing tambayan ang SC room ay makulit sila. Nadadatnan nga sila ni Ma'am Adele, tapos hindi man lang pinagbabawalan ni Ma'am.
Akala ko ba bawal tumambay dito? Scam si Ma'am Adele.
Inaasikaso ko ngayon yung sa Foundation Day. Last event ko na ito at kailangan maayos ang flow nito. Hindi siya nagsalita pero ramdam kong nakatingin lang siya sa akin.
"May naging ex ka na?" tanong ko.
Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang pagkagulat niya. Nilaro-laro niya ang ballpen na hawak niya.
"What's with the sudden question?"
"Wala. Masama ba ang magtanong?"
Tumingin siya sa gilid at bumuntong hininga, "Yes. Meron akong ex"
"Ilan?"
Kahit naguguluhan siya sa pagtatanong ko ay sinagot naman niya iyon, "Isa"
Hindi na ako umimik at napatingin sa laptop. Nirereview ko yung mga suggestion ng mga officers ko kung anong magandang gawin sa Foundation Day. Biglang may kumatok, napatingin ako dito at nakita si Khlayl.
BINABASA MO ANG
Presidente ng NBSB
أدب المراهقينIto ang kwento ng isang babaeng wala atang interes magboyfriend. Ang tangi niyang goal, makasurvive sa highschool ng hindi nakakapagboyfriend. Bakit ito ang naisipan niyang target? Dahil sa highschool life ng isang tao, hindi uso ang NBSB kasi ang u...