Still My Crush
Jan Drake Alcantara
"Balita namin may nililigawan ka na raw?" tanong ko kay Adrian habang nagbibihihis kami para sa training namin.
Kakasimula pa lang ng school year pero walang paawat yung coach namin.
"Chix ba yan Cap?" tanong ni Khalyl
Ngumisi lang si Adrian kaya naman biglang hinagis ni Khalyl yung damit niya. Natawa lang si Adrian at bumawi. Nilabas ni Adrian ang phone niya at pinakita niya sa amin ang sinasabing nililigawan niya.
Doon ko unang nakilala si Dea.
Kahit hindi ko pa siya nakikita ng personal ay masasabing maganda siya. Ngayon ko lang narealize, na love at first sight ako. Maamo ang mukha niya. Isa sa mga gusto ko sa isang babae. Pero hindi pwede bukod sa hindi ko naman siya kilala, nililigawan na siya ni Adrian.
"Describe mo naman siya" sabi ni Miko
"Hoy Miko umayos ka. Isumbong kita kay Ella" sabi sa kanya ni Khalyl.
"Nagpapadescribe lang"
Tumawa si Adrian at umiling-iling, "Maganda. Kita niyo naman sa picture diba? Ano pa ba?" saglit siyang nag-isip, "Slow, laging late, maliit? Siopao ang pisngi, matakaw"
Napailing ako sa sinabi niya. Yumuko ako at sinintas ang sapatos ko.
"May pagkapikon minsan at mahilig manakit. Pero mabait siya, maalaga, masarap kasama"
Habang sinasabi niya iyan, halata sa kanya na gustong-gusto niya yung tao. Pero hindi ko maintindihan na sa kabila ng pagkagusto niya sa taong iyon. Nagawa niyang patulan ang pinsan ko.
"Nag-iisip ka ba Faith?"
Hindi niya ako pinansin at nagtuloy-tuloy lang siyang pumasok sa kwarto niya. Sinundan ko siya sa loob.
"Ano sa tingin mo ang pinasok mo? Laro?"
"Gusto ko siya Kuya"
"Pero may nililigawan siyang iba"
"Siya naman ang nagtanong kung gusto niya ba akong maging girlfriend"
Sumasakit ang ulo ko sa batang ito. Huminga ako ng malalim at ginulo ko ang buhok ko.
"Bata ka pa Faith. Itigil mo na ito, madami pang iba diyan"
"Pero siya ang gusto ko"
"Pinaglalaruan ka lang nun. Hindi mo ba iyon nakikita?"
"Wala akong pakialam kung pinaglalaruan niya ako. Kung sa dulo din ay seseryosohin niya ako. Worth it lahat ng ito"
Ang gulo ng Captain namin. Matapos niyang maging girlfriend yung pinsan ko, malalaman namin na aalis siya ng team. Hindi ko alam kung ano ang pinagdadaanan niya pero makikita sa kanya na para bang pagod na pagod na siya.
Ayaw siyang paalisin ng mga kasama namin maski ni Coach. Sino ba naman ang papayag diba? Aalis ka sa gitna ng kompetisyon? Semis pa iyon. Akala namin ay susuko na siya sa pag-alis pero hindi.
Nagulat na lang kami ng pinatawag si JC at Adrian tungkol sa away na nangyari. Isa pa iyan. Dumagdag pa si JC sa sakit namin sa ulo. Muntik na silang masuspend kundi lang dahil kay Micaela.
Nakita ko siyang pumasok sa Principal's Office matapos lumabas ng dalawa. Akala ko ba wala na siya dito sa Pilipinas? Anong ginagawa niya dito? Kelan pa siya nandito?
BINABASA MO ANG
Presidente ng NBSB
Teen FictionIto ang kwento ng isang babaeng wala atang interes magboyfriend. Ang tangi niyang goal, makasurvive sa highschool ng hindi nakakapagboyfriend. Bakit ito ang naisipan niyang target? Dahil sa highschool life ng isang tao, hindi uso ang NBSB kasi ang u...