Ang Batangueña

149 8 2
                                    





"Once upon a time, there's a girl who lived in a place called Paraiso. Nope! Hindi 'yon sa langit dahil ayoko pa siyang mamatay, at dapat sa mga oras na ito ay gising na sya!"

Naalimpungatan ako sa nagsasalita na sa tantya ko ay nasa harapan ko laang.

"Wake up sleepy head!" Nakapikit akong bumangon.

"A're na Madam, nakasigaw ka naman agad d'yan."

"Cause we will be late na."

Napamulat ako at nakita kong bihis na bihis ang dalagang a're.

"Sa'n ang iyong punta at ikaw ay naka gay'an?"

"My gosh Marie! We need to go the mall at kapag di ka pa bumangon d'yan, I will confiscate your laptop!" At mabilis siyang lumabas ng kwarto.

Haaaay! Day off ko naman ngayon pero garne ang sistema ko. Ayoko namang mawala ang aking laptop, baka ako'y maging single forever kapag nahinto ang pagpapantasya ko sa mga mahal kong Oppa.

Binilisan ko na ang kilos ko at naabutan ang kasama kong pumaroo't parine na walang iba kundi si Ms. Gwynette Mallina Saunders. Ang aking Amo slash 'best friend' daw kami sabi nya. Paano nangyari? Aba'y ewan ko din. Joke. Ikekwento ko din yun kaya chill lang. Napatingin siya sa akin.

"Finally! Come on! Baka maubusan ako ng Limited Edition Collection ng favorite Brand Cloth ko."

Ay siya, total nasa byahe naman kami ay magpapakilala na ako.

Ang pangalan ko ay Maria Liwayway, hindi umatras o lumiko kundi Abante! Oho, Ako ho ay namamasukan bilang katulong. Oho, bata pa ho ako, DisiOtso laang. Oho, ako ay ho Batangueñang tunay.

"Yieeeh! We're here!"

Nagpatianod ako sa kaniya dahil di ko naman saulo ang Mall na a-re na at baka ikaligaw ko pa. Pumasok na kami sa bibilhan niya ng damit.

"Hi! Good Morning Ma'am! Looking for the Limited Edition Collection?" 

Nakangiting tanong ng babaeng mukhang magkakasahod ng malaki ngayon.

"Definitely! Di pa naman ako late right?"

"You're just in time, Ma'am! Kindly follow me po."

Pinabayaan ko na silang magchikahan doon at nagtingin-tingin.

"Jeans." Basa ko kung saan ako napadpad.

Kumuha ako ng isa at tinignan ito. Halos mahimatay naman ako sa presyo nareng hawak ko.

"26, 290 pesos?!" Nanlalaki ang mata kong bulong.

Para laang sa pantalong a're?!

"Marie! Look!" Pinakita niya sa akin ang damit at umikot.

"How is it?"

"Ayos laang naman. Magkano? Maganda yung tela ah,"

"It's 2,935."

"Pesos?"

"Duh? No. Dollars."

"Edi magkano 'yan?"

"Ahmm wait."

Kinuha niya ang cellphone at nagdidinutdot.

"It's a hundred and fifty two thousand pesos."

"Pusang gala?! Yang ganyang ka simpleng damit isang daang libo? Mahigpit naman a-re. Kung ika'y nagpatahi na laang sa akin, nakalibre ka pa!"

"Duh, that would be cheap. Anyways, I will make bayad na para makakain na tayo dahil pinaghintay mo lang naman ako kaya di ako nakapagbreakast."

"Oo na sige na, baka maisangla ko pa iyang hawak mo."

Pumunta kami sa isang fast food chain. Oo, yayamaning babaeng a're ay mahilig kumain sa fast food chain.

"I'm so kinikilig with my new collection hihi."

"Bat ga kayong mayayaman ganyan bumili ng damit? Gumagastos talaga kayo ng libo-libo eh."

"It's overwhelming kaya pag nabibili namin yung damit na gusto namin. I'm so sure naman na you felt that too kapag nabibili mo yung favorite mo."

"Masisira din laang naman iyan pag napabayaan sa washing."

"Don't be k.j nga, Let's eat na lang."

Kumain na kami at patuloy siya sa pagdaldal.

"Hey, darating na nga pala yung Prince Charming mo."

"Prince Charming ka diyan?"

"Yeah~ you said that right? Nung nahulog ka sa hagdan? You fall to him at nasambot ka naman. And for a minute, he look at you with his captivating eyes and said-"

"Ang tanga naman." Tuloy ko sa sinasabi nya.

Unang beses ko na nga laang narinig magtagalog, nanlait pa.

"Absolutely! Hahaha!"

"Mukhang ga namang may Prince Charming na ganon? Prince Frog kamo." 

Ilang segundo pa bago ko maintindihan yung sinabi nya.

"Teka, anong sinabi mo? Uuwi na siya? Sa bahay?"

"Yup."

"Seryoso ba 'yan?"

"Why? Di ka ba natutuwa? Your favorite person will come home. Di ka na ulit maboboring." At nag wink pa.

"Boring? Mas mabubulabog pa ang pananahimik ko. Aba, akala ko'y ayos na siya doon sa America? May pagbalik pa eh."

"Hey. Don't be mean, he's still my little brother."

"Malayo naman ng ugali niyon sa iyo."

"Aww, Kaya love kita eh hihi."

"Oh, eh kelan daw ang balik niya?"

"Tommorow."

"Agad?!"

"Kaya we need to go home na for you to prepare his room"

"Teka? Hindi ga't day off ko ngayon? Bakit ako ang maglilinis?"

"Ay oo nga pala. And he might kill you pag nalaman nyang hinawakan mo yung gamit niya."

"Oo. Pero bago mangyari yun, uunahin ko na siya."

Para akong inagawan ng lovelife sa narinig ko kanina. Wala na. Dalawang buwan laang ang naging kasiyahan ko. Dapat yata'y tinuruan ko yung Lola niya ng tamang pagpipirmi sa lalaking pinaglihi sa iksi ng pasensiya.

Dumiretso ako sa Maid's Quarter para magpalit ng damit at nahiga ulit. Nagbabad na laang ako sa panonood ng k-drama buong araw dahil siguradong madalang ko nang magagawa 'to simula bukas.
























--
~Dont forget to VOTE, COMMENT and SHAAAARE ❤ Thankyouuu 💌~

Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]Where stories live. Discover now