"Oh my, you look pretty, hihi!" Inayos ni Madam ang buhok ko at nilagay sa harap.
"Here, wear this."
Tinaas niya ang sandals na may konting takong.
"Isusuot ko 'yan? Anla naman, matalapid pa ako eh."
"Its just three inches. Wear it na kasi, bagay kaya 'yan sa dress mo."
Hindi ko naman kasi sinabing magd-dress ako eh.
Sinuot ko iyon at iilang hakbang pa laang ay natapilok na ako. Napakapit ako sa libruhan niya kaya gumawa iyon ng ingay.
"Aray ko," Hinimas-himas ko ang paa ko.
"Magru-rubber shoes na laang ako, mas maige pa." Mabilis kong sabi habang kinakalas ang heels.
Parehas naman kaming napalingon sa pinto ng biglang bumukas yun.
"Is everything alright--" Tumigil siya sa pagsasalita ng makitang naka salampak ako sa lapag.
"We're not done yet! Labas muna, shoo! shoo!" At tinulak ni Madam si Ser palabas.
"Are you okay? Gosh, tuturuan kitang mag heels one of these days."
"Aba'y para saan?"
"Duh? I can't let you wear a shoes on your wedding day!" Napangiwi ako sa sinabi niya.
"Grabe, kasal agad? Magsisimula pa laang kaming mag date, ang advance mo naman?"
"I can predict future's you know, hihi. Here, doll shoes na lang isuot mo. Dress and
rubber shoes is a no-no for me!" Sabi niya na parang hindi talaga katanggap tanggap yun.Inayos niya ulit ang nagulo kong damit at sumabay sa akin pagbaba.
"Here's your lovely date, dear brother."
Hindi ko naman maiwasang ma gwapuhan sa suot niya ngay'on. Simple laang ang suot niyang polo at pantalon pero ang lakas ng dating niya.
"You're pretty."
Muntik na akong matawa sa sinabi niya.
"Yung totoo?"
"Im telling the truth, thanks to your fairy god-mother." Ngisi niya kay Madam.
"Im her fairy god-sister! A beautiful one."
"Yeah right. Let's go."
Inaasahan ko sa labas si Kuya Ceddie pero nabigo ako. Isang mamahaling sasakyan ang nasa labas ng bahay nila.
"Nasaan si Kuya?"
"Its our date, he will not come with us."
"Ha? Wag mong sabihing ikaw ang magd-drive? Marunong ka?"
"Of course. I can do anything you know,"
"Aba'y oo nga, ang galing mo ngang sumayaw eh." Asar ko at sinamaan niya ako ng tingin kaya pumasok agad ako sa loob.
Pinaandar niya ang sasakyan ng may ingat kaya naman medyo mabagal ang takbo namin.
"May hinihintay ka ga?"
"None, why?"
"Eh para kasing nasa prosisyon tayo nare eh, karo na laang kulang para masabing may patay."
"Tsh, are you challenging me?" At tinigil niya ang sasakyan.
"Kung mapapabilis tayo oo, hinahamon kita."
YOU ARE READING
Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]
Fiksi RemajaBatangueña: Ang Babaeng may tatlong "M": •MAY Kaingayan. •May Katapangan. •May Pagmamahal na Tunay.