Chapter 70: Boyfriend???

12 2 0
                                    










"Eh bakit mo sinagot?!"

"Eh bakit ka galit? Hindi ka na naawa sa tao, hilo na kahahanap sayo, tuleg!"

"Aba't? Sumasagot ka na ng ganiyan?"

Hinubad ko ang tsinelas ko at binato sa kaniya pero nailagan niya.

"Walang batuhan, Ate! Pagka ako natamaan niyan..."

"Ano? Sige, ano?" Pinadilatan ko siya ng mata.

"Aba'y 'di natamaan, high blood mo masiyado,"

Nilapag niya ang selpon ko at hinagis ang tsinelas ko pabalik.

"Hindi ka naman maganda, kung makaarte sa boypren mo," Dagdag niya at tumakbo paalis.

"Huwag ka ng uuwi dine, bwisit ka!" Sigaw ko kaya inis na pumasok ang Itay.

"Ano ga iyan? Katanghaliang tapat nagsisigawan kayo? Daig niyo pa manok kung mag-ingay, aba,"

"Si junior 'Tay! Lumalala ang ugali,"

"Mana sayo eh, magagawa mo?"

"Luh? Ang bait-bait ko eh,"

"Nguspi mo, mabait ah?" At lumabas na ulit siya para magtanim.

Tumingin ako sa selpon ko at inabangan kong may tatawag ulit.

Chinarge ko kaninang umaga ang selpon kong nalowbat na pala kate-text at tawag ni Elios nitong nagdaang araw. Hindi talaga ako palahawak ng selpon pag nasa bahay kaya kanina ko laang naalala.

Pagkatapos kong maglaba ay nakita kong hugot na sa charger ang selpon ko at hawak na ng kapatid kong magaling habang may kausap. Hindi ko siya pinansin pero dahil sa huli niyang binanggit ay nataranta ako.

"Sige bayaw, ingat ka,"

Agad kong inagaw sa kaniya ang selpon at maige na lang ay patay na ang tawag.

Wala na akong nararamdamang tampo pero meron pa ring pagseselos. Wala pa rin akong ideya sa kung anong magiging paliwanag niya kaya narine pa rin ang kaba ko.

At lalo akong natataranta dahil manghihinala na naman ang Itay at sasabihing mag-aasawa na ako.

Naku 'Tay. Pag 'yan tinuloy ko, iyak ka.

Ayaw kong ma-disappoint siya sa bahay namin kaya inulit ko ang paglilinis ng buong bahay at panay ang hugas ko sa kusina.

Pero umabot ang meryenda at hapunan ay hindi pa siya dumarating. Pabulong akong nagtanong kay Junior na naghihimay ng isda.

"Darating ga si Elios ngay'on?" Ngumiti siya ng nakakaloko.

"Uy, inabaangan din naman," Dinanggi ko ang tuhod niya.

"Ano nga? Darating daw ga?" Tumigil siya sa paghihimay.

"Hmmm, baka bukas daw siya pumunta," Tumango ako.

"Nabanggit rin niya na tatlong araw na siyang pabalik-balik ng batangas,"

Ano? Tatlong araw?! Hindi talaga sinabi ni Dal ang direksyon?

Lumingon siya sa Itay.

"Tay, may bisita tayo bukas,"

Nanlaki ang mata ko at kinurot siya.

"Aray naman ate," Nakanguso niyang reklamo.

"Bakit? Sino ga 'yon at may pagkurot ka pa sa kapatid mo?"

Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]Where stories live. Discover now