Chapter 33: Recruit

22 3 0
                                    






Habang naghuhugas ng kawali ay ine-ensayo ko ang kakantahin ko mamaya, kinakabahan ako pero hindi ko maiwasang ma-excite. May pumasok namang kanta sa isip ko na nakapag patawa sa akin.

"🎶Ang mga ebon, na lumelepad ay mahal ng Lord, de kumukopas. Ang mga ebon na lumelepad ay mahal ng Lord
de kumukopas,Wag ka nang malongkut,
Oh praise the Lord🎶" Kanta ko sa tono ni Maricel Soriano.

Tumingin-tingin ako sa paligid at dahil nga maaga pa, alam kong sila'y naghihilik pa. Kaya naman sinabayan ko ng sayaw ang kanta.

"🎶Ang mga ebon, na lumelepad ay mahal ng Lord, de kumukopas. Ang mga ebon na lumelepad ay mahal ng Lord
de kumukopas, Wag ka nang--🎶

"Is that will be your audition piece?"

Napatigil ako sa pag pagakpak na akala mo talaga'y may pakpak. Nakita ko ang kunot na kunot na noo ni Ser sa akin. Napaayos ako ng tayo at ngumiti ng alanganin.

"H-Hindi ah, hehe. G-Good morning Ser, ang aga niyo yata?"

"Yeah, need to finish a lot of paper works,"

Nagtimpla siya ng gatas, naglakad na siya palabas pero tumigil din at tinignan ako mula paa hanggang ulo.

"Dont do that again, its disgusting," Pagkatapos ay umiling siya at umirap, tyaka tuluyang lumabas.

Napakamot ako sa pisngi at nagluto na para makalimutan ang kahihiyan ko.

--

"Oy King," Napatingin siya sa akin pagkatapos niyang magpipindot sa selpon.

"Yeah?"

"Ahm ano kasi.." Nilapit ko ang upuan ko sa kaniya.

"Mag au-audition ulit ako sa Music and Arts Club,"

"They're still accepting?"

"Ahm ano, nagbigay pa daw sila ng ilang slot, hehe."

"Ahh, sige,"

"Eh? D-Di ka magagalit? Aba'y paano pag nakapasa ako? Maiiwan ko kayo?" Tinaasan niya ako ng kilay at ngumisi.

"Kung papasa ka," Aambaan ko sana siya ng hampas ng kunin niya ang kamay ko.

"Ayan ka na naman, ang hilig mong manakit,"

"Oo, mapanakit talaga 'yan si Liway." Napalingon kami sa magpinsan na fresh na fresh.

"Pinaglalaban mo, Nile?"

"Diba sinaktan mo ako?"

"Lolo mo sinaktan, kailan ko ginawa 'yon?"

"Nung naging kayo ni Elios tapos fake lang pala," Umirap pa siya sa akin.

"Seriously?" Tanong ni King na nakapag patawa sa aming tatlo.

"Joke lang tol, di kami talo niyan,"

"Oo, kasi bakla ka,"

"Aba't? Baka gusto mong patunayan ko sayo?" At hinawakan ang sinturon, agad naman siyang binatukan ni Angel.

"Hoy! Umayos ka, may babae dito,"

"Ikaw lang naman babae, tomboy kaya 'tong si Liway." Siya ang hinampas ko sa noo.

"Tomboy, tadyakan kita diyan eh,"

"Tignan mo! Ang bigat pa ng kamay lintek, ang sakit." Mangiyak ngiyak niyang sabi. Napangiwi naman ako dahil mukhang masakit nga at parehas sila ng reaksyon.

Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]Where stories live. Discover now