Chapter 53: Friends?

12 3 0
                                    









"Sorry talaga ha? Ang burara ko din kasi minsan, peste." Sabi sa akin ni Cass sabay singhot.

"Alam mo? Konti na laang mapupunta na ako sa loob ng ilong mo, panay ka singhot eh," Pinalo niya ako sa braso.

Nanakit pa!

"Bubunutin ko lahat ng buhok mo sa ilong ta'mo,"

"Ano ba! Nagso-sorry nga ako eh," Nakasimangot niyang reklamo.

"Aba'y sampung beses ko nang sinabing ayos na ah? Ikaw laang mapilit at panay ka pa rin sorry."

"Nakokonsensya kasi ako ng sobra, napahamak ka ng dahil sa kapabayaan ko. Sa tuwing naiisip ko 'yon, naiiyak ako lagi,"

Tumungo naman siya para pahiran ang mga luha niya. Inangat ko ng marahas ang mukha niya.

"Aray ko!"

"Makinig ka sa akin. Planado na ang lahat bago pa man nila nakuha ang selpon mo, kahit di mo 'yon naiwan sa library ay gagawa at gagawa sila ng paraan para makuha ako."

Tumango-tango siya at malalim na bumuntong hininga.

"Pangalawang beses na kita pinahamak, bestfriend pa ba talaga ang dapat itawag sa akin?"

Gusto ko siyang barahin kaso nagda-drama siya.

"Hindi masusukat ang kabutihan mo sa akin Cass. Isa ka sa pinaka magandang regalo ko," Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Happy birthday," Biro ko at natawa siya.

"Oh ano? Okay na ba 'yan?" Tanong ni Nile na siyang umorder ng pagkain namin.

"Oo, ayos na,"

"Halos di namin lubayan 'yan noong Thursday, gustong-gustong lumabas ulit para hanapin ka," Sabi ni Angel.

"Oo, talagang sinamahan pa namin siya sa bahay nila kasi maaga kaming pinauwi dahil sa nangyari," Tumingin ako sa kaniya.

"Salamat nga pala Nile, Ninong mo daw nag asikaso at rumesponde."

"Wala 'yon, mas may nagawa pa nga sina Elios kesa sa tauhan niya eh, haha!"

"Loko ka," Natatawa kong sagot.

"I heard my name,"

Napalingon ako kay Elios at agad siyang tumabi sa akin.

Ilang araw na kaming magkasabay sa lahat. Pagpasok, pagkain ng tanghalian at pag uwi. Di niya ako hinahayaang mag-isa sa mga gagawin ko, ayaw niya daw maulit pa ang nangyari.

Lalo na ako aba, mas gusto ko na laang manakawan kaysa makidnap.

"Mas may nagawa pa daw kayo kesa do'n sa tauhan ng ninong niya," Ulit ko kay Elios.

"Well, I requested them to let me rescue you,"

"Kumain na tayo, nagutom ako kaiiyak." Sabi ni Cass at sinubo ng malaki ang kanin sa harap niya.

"Mind if we join?"

Sabay-sabay kaming napatingala sa nagsalita. Si Astrid.

"No," Prangkang sabi ng katabi ko kaya bahagya ko siyang tinulak.

"Come on, sa iba na lang--"

"No, I want here. Nandito si Cassidy, marami siyang kailangan i-share sa akin about sa mga lessons." Putol niya kay King, pasimple namang umirap si Cass.

Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]Where stories live. Discover now