Kasalukuyan akong nagu-unat ng may kumatok ng malakas sa pinto ko.
"Hoy Liway! Bangon na diyan! Maga-alas nwebe na!"
"A're na nga oh!" Napahawak ako sa pisngi ko.
Ngayon ko pa laang naramdaman yung sampal nung lalaking 'yon sa akin. Kaya pala nangangapal eh, dumagdag sa natural na kapal ng mukha ko. Nag-orasyon muna ako sa harap ng salamin bago bumaba. Nandun na sila lahat maliban kay Ser Elios.
"Good morning Marie! How's your sleep?"
"Ayos na ayos, hehe."
"Sayang di ka sumama kahapon, ginala namin yung resort" Singit ni Nile.
"Kaya nga, nakita mo sana yung totoong ganda ng resort."
"Aba'y bakit 'di niyo ako ginising?"
"Sarap kaya ng tulog mo, nakanganga ka pa nga eh."
"Bawi ka na lang today, gusto mo isama mo pa si Braze." Napangiwi na lang ako sa suhestyon ni Madam.
Gusto ko sana siyang barahin kaso baka magtaka ang magpinsang a-re, hindi pa nila alam na kunwarian lang yung relasyon namin ni Ser.
"Kaso baka mga 10 pa sya magising,"
"Marunong palang tanghaliin yung taong 'yon?"
"Of course naman no. Kapag alam nyang he's on vacation, sinusulit niya na."
Nagsimula na kaming mag agahan, pagkatapos ay nag ayos na kami para simulan ang buong araw na paglilibot sa buong resort.
Tinulungan pa ako ni Madam na maglinis ng sugat pagkatapos kong maligo. Inabot nga laang ako ng ilang oras gawa ng nakirot at humahapdi ang sugat ko.
"You can't do extreme activities, baka lalong lumalala ang sugat mo."
"Ano pa nga ga, papanoorin ko na laang kayong mag enjoy."
"Sorry hihi, there's a lot of next time pa naman. By the way, ito susuotin mo for today!" May kinuha siya sa kabinet na isang sleevless na bulaklaking damit, at sa tingin ko ang haba ay aabot sa tuhod ko.
"Di ga masyadong maikli yan, hehe?"
"Nope! Fit lang sayo 'to, trust me hihi."
Sinukat ko ang damit at umalis muna siya para magbihis din. Pagsuot ko ay para akong nagmukhang disenteng dalaga sa itsura ko. Bumagay sa akin ang kulay ng damit, medyo manipis na sa tingin ko ay sadya para kahit mabasa ay ayos laang.
"Diba! You're so pretty!"
Napatingin ako kay Madam at ang sexy niya sa suot niyang sleevless. Labas ang kalahati ng tyan niya at may malaking ribbon sa dibdib. Pinarisan niya rin yun ng may kaikliaang short.
Sana lahat kutis labanos.
"Summer na summer ang suotan natin ah?"
"Of course! Minsan lang ako mag unwind 'no."
"Maige na laang hindi mo ako naisipang pagsuotin ng gay'an, baka tuluyan na akong magkulong sa kwarto."
"I know, right? Your body is for my brother's eye only hihi!" Kilig na kilig niyang sabi. Nanlaki naman agad yung bibig niya pagkatapos kaya nagtaka ako.
"Oh my, your left cheek! Its starting to swollen." Lumapit siya at agad hinawakan yun.
"Oo nga hehe. Yaan mo na, mawawala din 'yan."
YOU ARE READING
Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]
Teen FictionBatangueña: Ang Babaeng may tatlong "M": •MAY Kaingayan. •May Katapangan. •May Pagmamahal na Tunay.