Makalipas ang ilang araw matapos ang exam ay naging busy ang mga teacher at officers dahil sa paghahanda sa 50th birthday ng aming principal na magaganap bukas.
Kaya naman ilang teachers lang ang pumapasok sa amin at di naglaon ay pinag half day na kami.
"Gala tayo," Yaya ni Nile.
"Saan naman?
"Amusement park."
"Ano ka? Bata?" Kontra ko.
"Bakit? Bata lang ba nakikita mo sa amusement park?"
"Edi wow," At sinamangutan ko siya.
"Wag na doon, masiyadong matao."
"Eh saan?"
"Sa Mall,"
"Ang konti naman ng tao doon," Pambabara ni Nile sa pinsan niya.
"Kesa naman sa amusment park, pipila ka pa."
"Oo na, sa Mall na."
Lumabas na kami pero nagpahuli ako saglit para magpaalam kay Ser.
"What?"
"Gagala kami nila Angel sa Mall,"
"So?"
"Talon ka nang building tapos multuhin mo ako, bwisit!" Binabaan ko siya ng tawag.
Nagpapaalam na nga yung tao para malaman niya kung saan ako huling pumunta kung sakaling mawala ako, tapos gano'n? Kung nabibili laang ang manners, baka nilibre ko pa siya ng isang sako.
Tinawagan ko rin si Cass para pasamahin kaso kasali daw sila sa presentation na gagawin bukas.
Malapit na ako sa gate ng school ng makita ko si King.
"Psst!"
Di sya lumingon kaya sumitsit ulit ako. Ibang tao naman yung napatingin kaya umiling ako.
Psst ba pangalan niya?
Lumapit ako at nalaman ko kung bakit naka tayo laang siya ng straight, may salpak na naman sa tenga. Kinalbit ko siya at alanganing ngumiti.
"You're going home?"
"Hindi pa, gagala pa kami hehe,"
"Okay, take care." Nginitian niya ako.
"May pupuntahan ka? Sama ka sa amin," Tumingin siya relo nya at tumingin rin sa selpon.
"I think may time pa naman ako, where are we going?"
"To the jungle!" Agad kong sagot.
Napagtanto ko naman ang sinabi ko kaya nakaramdam ako ng hiya.
Halatang isip bata Liway?
Kumunot muna ang noo niya bago matawa.
"Let's go Dora," Okay boots hehe.
Sa sasakyan na kami ng magpinsan sumakay para daw di na maghintayan. Kumain muna kami bago mapag desisyonang pumunta sa 'arcade' kung saan nauubos ang oras at pera ng mga katulad naming estudyante.
"Dito muna tayo," Parang batang yaya ni Nile sa basketball.
"Pinakamababang points manlilibre sa susunod na game."
YOU ARE READING
Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]
Teen FictionBatangueña: Ang Babaeng may tatlong "M": •MAY Kaingayan. •May Katapangan. •May Pagmamahal na Tunay.