Chapter 45: Sun and Rain

24 1 0
                                    





[Wrong grammar aheads hshshs]





"Aray, aray ang sakit nang kupo." Mahina kong angil habang sapo ang ulo.

Bakit garne kasakit ang ulo ko? Nakainom ga ako?!

Halos di ako makatayo dahil parang nahihilo pa rin ako. Tumingin ako sa suot ko dahil hindi na yun ang suot ko kagabi.

Nakaramdam ako ng kaba at tinignang mabuti kung nasaan ako, nakahinga ako ng maluwag ng malamang nasa guestroom ako ng mga Saunders.

Pero, sino nagpalit ng damit ko?

Pumikit ako at inalala ang nangyari kagabi, hanggang doon lang sa sumasayaw kami ni Nile ang naalaala ko.

Wag mong sabihing umuwi ako mag-isa?

Nagulat ako ng bumukas ang pinto at nakita si Elios na may dalang tray ng pagkain. Napansin kong napaka seryoso ng mukha niya.

"G-Good morning." Alanganin kong bati pero tumango laang siya.

Eh? Problema nito?

"P-Paano ako nakauwi kagabi?" Nahihiya kong tanong.

"I drive you home last night, cause you're drunk."

Nang maiayos niya ang kumot ay nilapag niya ang tray sa harap ko.

"Drunk? H-hindi ako uminom kagabi, pinaalalahanan mo ako di ga?"

"I dont know. Just ask your peers and finish your food."

Walang sabi-sabi ay lumabas siya at sinara ang pinto.

Hala? Galit ba siya?

Hinanap ko ang selpon ko at sakto namang tumatawag si Cass.

"Liway! Kagigising mo lang ba? Tanghali na ah?"

"O-Oo, ano gang nangyari kagabi?"

"Wala kang maalala? Gano'n ka kalasing?"

"Lasing? Seryoso? Nag-inom talaga ako kagabi? Juice laang ang alam kong ininom ko."

"Yun nga, yung mismong juice na iniinom mo may halong alak."

"Luh? Eh halos makatatlong baso ako no'n ah?"

"Kaya nga kung ano-ano ginawa mo kagabi eh." Napasapo ako sa noo.

Gumawa ga ako ng ikahihiya ni Elios?

"Sige, alalahanin ko na laang."

"May ise-send ako, baka makatulong."

Pinatay niya ang tawag at pinabukas sa akin ang messenger. May pinadala siyang video at halos matunaw ako sa kinatatayuan ko ng mapanood yun.

Mukha akong SI.RA.U.LO.

Ito ang unang pagkakataon na nalasing ako at hindi ko na nanaising maulit pa.

Habang kumakain ay pinilit kong alalahanin ang nangyari, pero nagtatapos lang yun sa yumakap ako kay Elios sa c.r.

Hinilot ko ang ulo at hindi na sinagad pa ang pag alaala ko, baka utak ko na mismo ang lumabas.

"Nasaan si Elios?" Tanong ko kay Susan na nagpupunas ng lamesa.

"Umalis eh, hindi nagsabi kung saan pupunta."

Hinugasan ko ang pinagkainan at agad naligo para makagawa sa bahay. Habang nagbibihis ay tinatawagan ko siya pero panay laang ang ring non.

Dumaan ang meryenda at malapit nang maghapunan pero wala pa rin siya. Hindi ako mapakali at gusto ko na siyang kausapin.

Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]Where stories live. Discover now