Dedicated to: sheenaaaaaprendaa"Marieee~!"
"Wake up wake up~"
Napataklob ako ng kumot ng maalimpungatan ako sa boses ni Madam.
Ay sya, a're na.
"Hey. It's your first day today, di ka pwedeng ma-late."
Tinignan ko ang orasan sa tabi ko ng nakapakit ang isang mata at pusanggala, alas kwatro pa laang ng umaga.
"Madam namaaaan. Aba'y may 20 minutes pa ako bago bumangon." Nakabusangot kong sabi.
"Really? Then start wake up this early na dahil dalawa na kayo ni Braze na papasok."
"20 minutes. Tatayo ako promise!" Taas kanang kamay ko pang sabi habang nakapikit.
"No. Starting today, exact 5 ka na dapat gigising okay? Come on" At hinila na nya ako patayo. Pumunta agad ako sa kusina para magtimpla ng kape.
A're talaga ang mabisa kong pampagising sa umaga.
Pagkatapos kong magkape ay naglinis muna ako saglit at tyaka nagluto ng pang-almusal. Dine sa bahay, ang mga katulong ay hindi all around. May taga laba, taga luto, taga linis ng bahay, ng sasakyan, ng bakuran, ng garden at iba pa.
Masyadong malaki areng bahay para isa-isahin ang ginagawa kaya marami rin kami. Tuwing sabado't linggo ang general cleaning kaya tulong-tulong kami. Tamang walis at punas laang pag lunes hanggang biyernes.
Nang mag ala-sais na ay naligo na ako at naghanda para pumasok.
Pagbalik ko sa Mansion ay nakita kong gising na si Ser Elios at nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo. May pagka matanda rin ang taong a're minsan, gusto pa laging updated sa mundo. Dumiretso ako sa kusina para kumain kasabay ng ibang katulong.
"Papasok ka na talaga ulit Liway? Sawa ka na bang magluto at maglinis dito sa bahay?"
"Hindi naman, nabigyan laang ako ng pagkakataon kaya sinunggaban ko na."
"Marie. Aalis na si Elios, you make sabay na."
Uminom agad ako ng tubig at nagpaalam sa mga kasama ko. At dahil si Madam Gwy nga ang dahilan ng pagpasok ko, hanggat maari ay sumasang-ayon ako sa mga gusto nya lalo na't tungkol sa school.
"Good luck Marie. Enjoy your day, okay?" Tapos niyakap niya ako.
"As long as I remember, she is our maid and not your daughter."
"Oh dear brother, I don't consider her that. She's my best friend and my younger sister right?"
"Hehe, ata?"
Pumasok na siya sa kotse sa may likuran kaya naman pumwesto ako sa may unahan, sa tabi ng drayber.
"Uh, uh! Go to the back seat" Nakasimangot akong sumunod. Sa kabilang pinto ako umupo para naman di ako mapagkamalang feeling close.
"Don't talk to me in school unless its important."
"Kahit di mo sabihin di kita kakausapin."
"Don't do stupid things that will involve me."
"Ano gang tingin mo sa akin? Pers taym sa school?"
"It's one of the prestigious school here in Manila, not just a simple school you babo."
Ano daw?! Baboy?
YOU ARE READING
Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]
Teen FictionBatangueña: Ang Babaeng may tatlong "M": •MAY Kaingayan. •May Katapangan. •May Pagmamahal na Tunay.