Chapter 52: Illegal

12 2 0
                                    








Sumikip ang dibdib ko at hindi ko alam kung ako'y lalakad pa ga palabas ng banyo o ano.

"G-Gising ka na pala," Sambit ko at kaya napabitaw siya kay Elios.

"You're here pala," Dinig ko ang panghihinayang niya.

"Bibisitahin sana kita hehe, kamusta ka na?"

Agad na lumapit sa akin si Elios para kunin ang dextrose ko.

"Im fine, you?"

"Ayos na, makakalabas na bukas."

"Good,"

"Ikaw?"

"I dont know,"

Oo Liway, halata namang ayaw ka niya kausap. Pumasok na si King at nilapitan ang bestfriend.

"Do you need anything?"

"None," Tamad niyang sabi at sumulyap kay Elios.

Pasimple naman akong tumingin sa jowa ko at nasa kamay namin parehas ang tingin niya.

"Paano? Balik na ako sa kwarto? Magpagaling ka," Tumango siya at di man laang ngumiti.

"Bye," Paalam niya ng malapit na kami sa pinto.

Sasagutin ko sana siya pero dinugtungan niya ang unang salita.

"Bye, Elios."

Saglit na tumango a'reng isa at sinara ang pinto.

Tahimik naman kaming nagtungo sa kwarto. Hanggang sa makaupo ulit sa higaan ko ay walang nagsasalita sa amin.

"You're so quiet,"

"Ikaw din naman," Bumuntong hininga sya tinabihan ako.

"Im not being boastful but.. atleast expect that she'll be like that in school,"

"Mag-aaral na pala ulit siya dito?"

"Yeah, my sister told me earlier,"

"Ayos laang naman, mas okay nga sana kung makakapag usap kayo,"

"We dont need to talk,"

Hinawakan ko ang kamay niya at tinignan siya.

"May closure na ga kayo?"

"No. I dont need that, Im happy with you now,"

"Luh? Pinapakausap laang kita, 'di kita pinababalik sa kaniya. Masyado kang halata eh,"

"Tss, and you're pointing that?" Bumuntong hininga ako.

"Wala. Pero makipag usap ka sa kaniya, ha?" Napabuga siya ng hangin.

"Why do you want us to talk? Are you planning something?"

"Wala. Gusto ko laang na magkaayos kayo, kahit naman paano ay naging kaibigan mo siya,"

"But we're strangers now,"

"At pwede niyong ibalik 'yon,"

"I dont think so,"

"Bakit?"

"Because we're... come on Jagi. Can we stop talking about her?" Nagbaba ako ng tingin at tumango.

Hinawakan niya ako sa baba at muling pinagtama ang mata namin.

"Tell me, are you bothered?"

Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]Where stories live. Discover now