"The first two songs are 'The Greatest Show' and 'The Other Side'. Joshua and Vince will perform the duet and the rest will do the opening song,"
Wala sa wisyong naigalaw ko ang ilong ko gamit ang bibig. Maige na laang at sanay na ako kay Ser sa inglesan, masyado talagang sosyalin ang mga estudyante dine eh.
Matapos ang practice namin ay pinabalik na kami sa theatre room, pinaghiwa-hiwalay kami ng lugar para daw hindi magkasapawan ng kailangang praktisin.
"Go left then turn and right-- wait!" Sigaw ni Ser at agad umakyat sa stage.
"You will go here. You, move aside then let him be in the center. Now, from the top!"
Sandali kaming nanood at nakakatuwang kahit may binago sila ay maganda pa rin. Tumulong kami sa mga gumagawa ng materyales ng mainip kami panonood. May lumapit sa aking babaeng may kaputian at mahaba ang buhok.
"Hi, Liway,"
"Hello, hehe. Diba ikaw yung nakausap ko nung audition?"
"Oo, Loraine nga pala," Nakipag kamay siya at di ko naman tinanggihan.
"Ahm, pwede paki pinturahan 'to? Red at Blue lang naman ang kailangan," Medyo nahihiya niyang pakisuyo.
"Aba'y sige, madali laang pala eh,"
Habang nagpi-pintura ay nagke-kwentuhan kami at nabanggit niya ring mula nang maging kaklase niya si Ser noong high school ay crush niya na ito.
"Talaga? Ano namang nagustuhan mo diyan?" Natawa siya sa akin na parang di makapaniwala.
"Hindi ba't ex ka niya? Hindi ba siya naging sweet sayo or something?"
"Wala, parang normal laang,"
"Really?"
"Oo, hindi ko nga alam kung bakit parang ang big deal no'n sa ibax"
"Are you kidding me?"
"Ah, hindi?"
"Hahaha, you're so funny. Mukhang unaware ka na isa ka sa mga lucky girls dito sa school,"
"Hulaan ko? Dahil naging fake jowa ko siya?"
"Yeah, haha," Napangiwi ako sa sinabi niya.
"Parang hindi naman,"
"Para sayo oo, pero sa katulad naming may crush kay Elios? Girl, that's a dream,"
"Oo nga pala? Di mo pa sinasagot tanong ko,"
Kumuha ako ng bagong pipinturahan sa tabi niya.
"Ah? That? Well, iba si Elios noong first and second year high school. He is easy to talked to and loves to smile kaya halos lahat kasundo niya,"
"Tapos crush mo na sya no'n?"
"Kinda haha, pero mas nadagdagan noong nagkusa siyang turuan ako sa history subject pagkatapos kong mapahiya sa recitation,"
"Aba, mabait?"
"Super. But everything's change ng mamatay ang parents niya,"
Tumingin siya kay Ser na kasalukuyan pa ring nagtuturo sa sumasayaw.
"Lahat kami nabigla, nasaktan na rin at the same time. His smile started to fade away and distance himself to everyone. Nanibago kami nung una and tuluyan na namin siyang hindi nakausap after niyang mag-aral sa amerika."
YOU ARE READING
Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]
Teen FictionBatangueña: Ang Babaeng may tatlong "M": •MAY Kaingayan. •May Katapangan. •May Pagmamahal na Tunay.