"Good morning!" Masiglang bati sa akin ni Astrid.
Nagulat naman a'reng katabi ko sa biglang pagsulpot niya.
"Hi Elios!" Masigla niya ring bati.
Kunot noong tumingin sa akin si Elios, lumapit ako sa kaniya at bumulong.
"Mamaya ko ipapaliwanag," Tumango siya sa akin.
"Pupunta ka na sa room? Sasabay na ako--"
"No, I'll take her to her room first."
Wala siyang nagawa kung hindi tumango at ngumiti.
"Okay then, see you! You too, Liway." Nag beso pa siya bago umunang lumakad.
"Now what was that?" Tanong niya ng makalayo si Astrid.
"Pinuntahan niya ako kahapon sa convenience store. Gusto niya daw akong maging kaibigan, kaya tinanggap ko at mukha namang seryoso."
"Are you sure? Dont you think she might up to something?"
"Wala naman siguro, ayos laang ga sayo 'yon?"
"Honestly, No. I dont want you to be involved in every single thing she will do," Bumuntong hininga siya.
"But its still your decision, and I respect that." Napangiti ako.
"'Wag kang mag-alala, sasabihin ko pag may ginawa siya sa aking hindi maganda, haha!"
"You should be, and I will immediately fly her back home."
"Grabe, kababalik laang no'ng tao eh,"
"Well, in case." Natawa ako at ganon din siya.
Sumunod pa ang ilang araw at patuloy ang pagsabay sa amin ni Astrid.
Maayos naman ang pakikipag usap niya, hindi nga laang mawala ang pagiging maarte niya. Masasabi ko ring mabait siya at napakadaldal.
Kung kami nakakausap niya at napapasagot, kay Elios pa rin siya nahihirapan. Parang habang humahaba ang araw, mas naiinis siya sa presensya ni Astrid.
"Are you okay?"
"Oo, may dala naman akong pang P.E,"
"Psh, I wont forgive her the next time she will do this to you,"
"Nag sorry na nga yung tao, 'di naman daw sadya eh,"
"Yeah right, she embarassed you."
Sinalubong ako ni Astrid pagpasok namin sa cafeteria. Nag beso siya sa akin at natapon sa damit ko ang malamig niyang inumin. Strawberry pa ang flavor non kaya talagang nangibabaw sa puti kong uniporme.
"Take a bath, I'll wait you,"
"Baka mag-bell na, ako na bahala dine."
"No,"
"Sige na, mabilis laang ako,"
"That's why I'll wait you,"
"Hindi na nga,"
"I insist,"
"Isa.."
"No,"
"Elios,"
Napatitig siya sa akin at bumuntong hininga.
"Fine. I'll check you if I didn't receive a text after 20 minutes."
YOU ARE READING
Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]
Teen FictionBatangueña: Ang Babaeng may tatlong "M": •MAY Kaingayan. •May Katapangan. •May Pagmamahal na Tunay.