Chapter 11: Paper Fight

23 4 0
                                    







"O ano? Kamusta? Okay na sugat mo?"

"Saan ka ba kasi nagpunta?"

"Ano bang nangyari?"

"Ay isa-isa laang! Kumain muna tayo."

Habang naglalakad papuntang cafeteria ay kwinento ko sa dalawang a're ang nangyari. Napapagod na ako kaku-kwento, iisa laang naman ang kinalalabasan.

"So, ibig sabihin sinet-up ka?"

"Parang gay'on nga."

"Teka? Bakit ka nga ba kasi sumama ka ng dahil kay Elios? Tyaka, siya ang naghatid sayo nung biyernes diba? Wag mong sabihing.."

"O, wag kang malisyoso diyan Nile, may ibig sabihin naman kasi 'yon."

"Ano nga ba?"

Dahil nga kaibigan na talaga ang turing ko sa kanila, kwinento ko na yung tungkol sa pamamasukan ko.

"Okay. Get's na namin."

"Wag kayong maingay ha? Baka lalo ako pagkatuwaan ng mga babaeng patay na patay sa kaniya."

"Ipapahamak ka ba naman namin?"

"Sinabi ko ga?"

Umorder na kami at pansin kong ang daming nakatingin sa akin.

Baka naman may muta pa ako?

Nag-ayos ako dahil baka may nakikita silang di kanais-nais sa akin.

"So here's the girl na inaahas ang mga popular boys dito sa school."

Napalingon ako sa powerpuff girls na may dalang tray ng pagkain.

"Mas mukha kang ahas,"

"Stop being innocent, you're already known because of what you did last friday. Be ready bitch, haha!"

Sinundan ko na lang siya ng tingin pagkaalis nya.

"Tama siya, Liway." Lumingon ako kay Angel.

"Ano nga ba 'yon?"

"Pwede kang maka encounter ng mga mean students."

"Ano?"

"Wag mo nang pansinin 'yang si Angel, nandito lang kami kung sakaling may nan-trip sayo ha?"

Kahit naguguluhan ay di ko na laang sinagot si Nile.

Pagkatapos kumain ay napag utusan pa kami ni Angel na magdala ng isang malaking box sa Grade 12.

"Kagaleng ng pagba-banyo ni Nile, nakatakas pa sa utos."

"Oo nga, kung kailan naman mabigat yung dala natin."

Malapit na kami sa room ng may makasalubong kaming masamang pangitain.

"They are all waiting to that box."

"Aba'y ano pa nga gang ginagawa namin?"

"You're making us wait."

Binagsak ko yung box kaya nabitawan rin ni Angel.

"Napag utusan na nga laang kami, magrereklamo ka pa?"

"Are you even aware what's inside that box?"

"Pake ko?"

"Really? Then carry that box in our room, alone."

"Sino ka para sundin ko?" Tinaasan niya ako ng kilay.

Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]Where stories live. Discover now