Chapter 1: The Come back of Prince Frog

64 8 0
                                    





*Tiktilaok! Tiktilaok! Tiktilaok! Tiktilaok! Tikti-*

Hindi 'yan totoong manok. Alarm laang iyan dahil baka mapatalsik kami sa bahay pag nag alaga kami ng totoong manok.

Takot si Madam Gwy sa manok pero sobra din naman kumain pag naluto. Nag-unat unat muna ako bago damahin ang sariwang hangin mula sa elecricfan--

*Cough cough*

Di ko pa pala a're nalilinis, puro alikabok ang nalanghap ko!

Ano? Curious na ba kayo kung paanong ang taga probinsyang kagaya ko ay napadpad dine sa mundo ng mayayaman?

Tayo'y magbalik tanaw habang ako'y naliligo at naghahanda para mamaya. Garne kasi yan..

~Flashback~

"Ano ga? Nasaan na tayo? Akala ko ga'y alam mo to?!" Inis kong tanong sa kasama kong masasakal ko na maya- maya.

"Oo nga. Kahit basahin mo pa yan ng paulit-ulit."

"Eh bakit narine na ulit tayo? Baka di mo namamalayan, pabalik balik lang tayo."

"Alam ko. Ikaw lang may mata? Bakit kasi naiwan ko yung phone ko eh. Ikaw kasi, hindi ka nagsabi na aalis ka na pala sa inyo para magtrabaho, yan tuloy! Nataranta akong I-welcome ka."

"Ganda nga ng welcome mo eh, nakakataba ng puso." Inirapan nya ako.

Siya si Cassidy Reign Ramos. Madalas siyang magbakasyon sa Batangas kaya nung isang beses, muntik na siyang mahulog sa tulay. Nuti na laang ay napadaan ako kundi 'Cass the wheelchair girl' na siya ngayon.

Pagkatapos no'n aba'y edi ano pa nga ba? Kinaibigan nya ako at kinaibigan ko sya. Nagka-ibigan-- este nag kaibiganan kaming dalawa. Pwede mo syang tawaging Cass o Reign wag lang Cassidy, sasaktan ka niyan panigurado.

"Kung magtatrabaho ka lang din naman kasi, bakit di pa sa amin? Sabihin mo na lang sa kapitbahay niyo na nagrecommend sayo na nawala yung address kasi tuleg ka."

"Mas tuleg ka! Baka may contact pa siya doon kaya baka malaman niya rin kung nakarating na ako sa pupuntahan ko."

"Sabihin mo kinuha na lang kita and besides, bakit naman katulong pa tinanggap mo? Pag sumama ka sa akin, magiging taga dilig ka lang ng halaman, may sweldo ka na."

"Kaya nga ayaw ko eh, Iispoiled mo laang ako sa inyo. Gusto kong pinaghihirapan ang mga bagay para mas malaman ko yung halaga ng aking pagtatarbahuhan."

"Ano? Pagtatrabahuhan, hindi pagtatarbahuhan."

"Pagtatarbahunan,"

"Aish! Tagalog word na nga eh--"

"Ano ba?! I don't want na nga diba?! Can you just stop being stupid?!"

"Oh tigilan mo daw, Cassidy"

"Manahimik ka, Liwayway."

"Ano bat? Liway lang no!"

"Shh. Mukhang nag-aaway sila. Pakinggan muna natin."

Lumapit kami ng konti sa kanila. Dahil park naman a-re at medyo marami rin ang tao ay di kami gaanong halatang nakikinig.

"Why it's hard for you to give me a chance? Please, I promise to be real this time."

"Promise? Promise?! Gusto mong isampal ko sayo yan for you to know na pangatlong beses mo na akong niloloko?!"

"I... You can't break up with me please. I'll do whatever you want just don't leave me."

Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]Where stories live. Discover now