"Here. Give it to the principal okay? Baka makalimutan mo."
"Hindi 'yan, ibibigay ko na agad bago ako pumasok."
Nasa harap na ako ng bahay kanina at hinihintay na laang si Ser Elios ng sabihin ni Madam na hindi siya makakapasok. Paano ga namang kagagaling laang sa sakit ay may pagtulog agad ng nakasando, edi bumalik ang lagnat.
"By the way, sinabi ko na rin sa letter na you will have a 2 hours lunch break. We will have to make sure na makakain at makakainom si Braze ng gamot."
"Malakas ka talaga sa school, ano?"
"Of course Marie, Im the Chairwoman."
"Aba'y di ibig sabihin, ikaw ang may-ari ng school?"
"Hmmm, sort of? Malaki lang ang share ko but still, the school has other sponsors so, Im not exactly the owner."
"Grabe, bente singko anyos ka pa laang tapos isa ka na sa namamahala ng school? Ano gang ginagawa mo noong bata ka at ang dami mo ng ganap ngayon?"
"Owning a school is not part of the plan, we are not the original owner. Napunta lang sa akin 'yon because of my parents."
"Ano yun? Pamana?"
"No, they helped the school nung nagkaroon ng malaking sunog. Me and Elios was currently studying there and I am graduating that year, kaya naman hindi na sila naghesitate tumulong. They donated millions for the school to survive and after that, naging kahati na sila ng owner. And when the owner died, they accept the responsibility to rule the school but as I have said, meron pa ring ibang sponsors."
"Ah, edi parang ikaw ang may mataas na katungkulan sa school?"
"Yeah. I was just a trainee at the company before, nalipat lang sa akin lahat after that car accident."
Napansin ko namang napalayo bigla si Madam ng tingin. Hindi ito ang unang beses na narinig ko yung kwento ng mga magulang niya pero nalulungkot pa rin ako para sa kanila.
Ang hirap kaya na lumalaki ka ng walang magulang. Maige na laang at may Itay pa ako, kahit wala na rin ang Inay. Nag iba naman ako ng topic agad.
"Kaya pala gay'on na laang ang trato nila kay Ser Elios,"
"What do you mean?"
"Yung parang isang sabi niya lang ay susundin na agad?"
"Well, his emotionless face give more reason to others for him to obey. Kaya ikaw ha? If someone is bullying you, tell me immediately."
"Hindi na kailangan, kayang-kaya ko na 'yon," Sabay palo sa braso ko na may 'muscle'.
"You're so corny talaga. Goodbye na," Bineso niya na ako bago pumasok sa sasakyan niya.
Dumaan muna ako sa Principal's Office para ibigay ang sulat at dumiretso na sa room.
"Ikaw daw magre-report nung ginawa namin kahapon." Bungad ni Nile sa akin.
"Ay siya? Bakit ako? Nagsabi na ako kahapon ah?"
"Di nila tinanggap eh,"
"Nagdadahilan ka lang daw," Dugtong ni Angel.
"Aba'y di sila ang mag alaga ng maarteng tao! Sino yun at madala sa bahay?!"
"Hahaha! Ang high blood mo naman,"
YOU ARE READING
Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]
Teen FictionBatangueña: Ang Babaeng may tatlong "M": •MAY Kaingayan. •May Katapangan. •May Pagmamahal na Tunay.