"Bakit?" Humiwalay siya at ngumiti.
"Wala, masaya laang ako,"
"Akala ko naman kung ano eh,"
"Bakit? Masama gang maging ma-drama minsan?"
"Hindi bagay sayo," Bigla niyang nilamukos ang mukha ko.
"Aray naman!" Natawa siya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
"Ayan, mas lalo kang pumangit,"
Sinamaan ko siya ng tingin tyaka tinanggal ang kamay niya.
"Ang gwapo mo po kasi," Tumawa siya ulit at tumahimik.
"May sasabihin ka ga?" Tinaas niya ang mga paa sa upuan.
"Kahit hindi ko tanungin, alam ko masaya ka," Lumingon ako.
"Nakikita ko rin na kahit may kaya siya eh, handa siyang makibagay sa pamilya mo at sa mga taong nakapaligid sa'yo,"
"Ano gang ibig mong sabihin?" Lumingon siya habang nakangiti ng maliit. Nilagay niya ang mga kamay niya sa ulo ko.
"Maige na laang at napunta ka sa gano'ng tao," Ako naman ang ngumiti dahil sa sinabi niya..
"Sabihin mo kapag pinaiyak ka no'n ha? Aba'y hahanapin ko 'yan sa kasuluk-sulukan ng Maynila para banatan,"
"Wag kang mag-alala, baka ako pa gumulpi diyan pag nagloko 'yan," Ngumisi siya.
"Bayabas,"
Nagkulitan pa kami at kami na mismo ang tumigil dahil sa ingay naming dalawa. Naabutan ko si Elios na nakasandal sa upuan at nakapikit. Nilapitan ko siya at hinawakan sa braso.
"Tulog ka na sa loob," Nagmulat siya at umayos ng upo.
"You're done?" Tumango ako.
"He obviously like's you," Tumitig ako sa kaniya at nagulat ng yakapin niya ako.
"See? You're amazing and one of a kind. You're easy to love and Im happy that you choose me to love you," Inikot ko ang braso ko sa bewang niya.
"Ikaw lang kasi nagsungit sa akin ng sobra,"
Parehas kaming tumawa at hindi ko siya binitawan hanggang sa makatulog siya.
--
"Ganda talaga ng boses!"
"Ikaw na kukunin ko sa kasal ko, Liway!"
"Isa pa! Bitin ang kanta!"
Hindi ko maiwasang mapangiwi sa ingay ng nga kaibigan ko.
Nasa reception area na lahat ng pumunta sa kasal. Katatapos ko laang kumanta para sa mag-asawa na sumayaw ulit dahil sa mga ninong at ninang na hindi nakapunta kagabi.
"Ang iingay niyo," Anunsyo ko sa mic at nagtawanan sila. Umupo ako sa tabi ni Elios na nakangiti.
"They're very supportive,"
"Sumobra sa support, ang liligalig,"
Inabot niya sa akin ang cake na binigay sa kaniya ng asawa ni Len.
"Its delicious, not too sweet for a chocolate cake," Tumango ako na parang di kumbinsido.
Kumuha siya ng kaunti at sinubo sa akin. Bigla akong nakarinig ng kalansing ng baso na nagsasabing mag-kiss kami.
YOU ARE READING
Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]
Teen FictionBatangueña: Ang Babaeng may tatlong "M": •MAY Kaingayan. •May Katapangan. •May Pagmamahal na Tunay.