Hindi magkamayaw ang mga tao sa loob ng school, nagkalat ang mga estudyante at mga taga labas na ngayon ay kaniya-kaniyang puntahan sa mga booth.
Pagkalabas namin ng gymnasium pagkatapos ng welcome ceremony ay dine agad nagpuntahan ang mga tao.
"Oy, pabiling kape, hehe." Ngumiti naman sa akin ng malaki si Meryl at Kristine.
"Ang cute niyo sa suot niyo,"
"Salamat Liway." Sabay nilang sabi at tinanong ang order ko.
Nagulat naman ako na may lumabas na nakakapa mula sa maliit nilang kusina.
"O Tito Boy, kamusta si Krissy?"
"Baliw, si Saitama ako." Sumimangot siya sa akin kaya natawa ako.
"Black coffee for Ms. Liway,"
Napatingin ako kay Leo na may mahaba at puting buhok, may pagkakahawig siya sa pusa.
"Hulaan kita, ikaw yung alaga ni tito boy--este Saitama?"
"Hindi, Inuyasha pangalan ng character ko,"
"Ay ganon? Hehe."
Umalis na ako dahil panay lait laang daw nakuha sa akin nung dalawa. Kamalayan ko ga kung sinong ginagaya nila, si Doraemon laang ang naalala ko sa Anime eh.
"Good morning,"
Isang lalaking naka maskara at maganda ang ngiti ang bumati sa akin.
"Hello, sino ka?"
"Tsh, si King. I am Tuxedo Mask."
"Hanep, gwapo mo diyan sa suot mo ah?"
"Small thing." Mayabang niyang sabi at pinagpagan pa ang balikat.
"Epal haha. Sige una na ako, babye."
Hindi na ako umalis sa club room namin magmula kanina dahil babalik rin kami sa gymnasium mamaya. Manonood kami ng mga piling Club Members na magpapakitang gilas para sa unang araw ng club week.
Mga grupo daw ng nagvi-violin ang magpe-present para sa amin kaya di ko maiwasang ma-excite.
Tinext ko si Ser para sabihing kumain ng tanghalian dahil alam kong makakalimutan na naman niya.
*Bzzz bzzz*
From: Ser Elios <3
'Noted that. You too ❤'Ganda ng pangalan niya sa selpon ko 'no? Mas okay na yan kesa nung una, 'Ser Attitude' ang nilagay ko.
Nilapag ko sandali ang selpon dahil tinawag ako ni mother nature.
Calling calling hoho!
"Tara na sa gymnasium guys!"
Papasok pa laang ako ng magyaya na si Kyler paalis. Nakita ko si Dave malapit sa upuan ko.
"Dave!"
"Oh?"
"Paabot ng selpon ko--! aray ko."
"Ay sorry Liway, di kita napansin."
"Ang laki naman niyang dala mo, ano ga 'yan?"
"Banner. Iche-cheer natin yung co-club natin siyempre."
Tumango na laang ako dahil parang ang laki masiyado no'n para sa banner.
Unang nag perform ang photography club na nagpakita ng magagandang picture, kuha daw nila mismo at may kasamang paliwanag.
YOU ARE READING
Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]
JugendliteraturBatangueña: Ang Babaeng may tatlong "M": •MAY Kaingayan. •May Katapangan. •May Pagmamahal na Tunay.