Chapter 36: Voice Coach

10 2 0
                                    







"Kamusta Photography Club?"

"Okay lang, hindi nakakapagod kapag gusto mo yung ginagawa mo."

"Eh ikaw, Angel? Namamayat ka na kasasayaw."

"Grabe, so mataba ako?" Pinanliitan niya ako ng mata kaya napatawa ako.

"Mas lalo ka laang namayat, galit ka na agad diyan eh."

"Bakit ikaw? Enjoy ka naman sa piling ng Ex mo?" Asar ni Cass sa akin.

"Aba'y oo, silay na silay ako lagi aba." Ganti ko ng asar kaya nginiwian nya ako.

"Musical Theatre daw gagawin nyo ah? Mukhang mags-stand out na naman si Elios."

"Sinabi mo pa,"

"Ano ba kayo, kaya natin yan. Isa laban sa tatlo." Taas kilay pang sabi sa akin ni Nile, sinipa ko siya sa ilalim ng mesa kaya napa aray sya at ngumuso.

Naalala ko namang ang kabaliwan ni Ser nung nakaraan dahil doon.

Ang pogi nyang tumawa pero mukha syang tanga dun.

"Ano nga pala ipe-perform niyo?"

"The Greatest Showman daw."

"Woah," Sabay-sabay nilang sabi.

"Eh? Bakit?"

"Ang ganda kaya niyan, lalo na yung mga songs." Excited na sabi ni Angel.

"Tama, na LSS kaya ako dun sa 'This is Me'." Segunda ni Cass.

"Edi meaning sasayaw ka? Nice, makikita ko na ang 'Bulateng inasinan ala Liway.'" Sabi ni Nile habang tumatango.

"Mukha mo, kakanta laang ako. Tyaka sa likod kami naka pwesto kaya hindi pa oras para makita mo 'yon."

"Ano kakantahin mo? May solo ka?"

"Oo daw, tinanggihan ko pero ayaw pumayag nung isa. Never enough pa napunta sa akin."

"Orayt! Meron na tayong nadagdag sa menu. Tatawagin ko itong, 'Liway ala piyok' haha!" Parang kontrabidang sabi ni Nile kaya sinipa ko ulit siya.

"Sabihan mo lang kami kung saang banda ka pipiyok, para mapaghandaan namin." Sinamaan ko ng tingin si Cass.

"Kaya mo yan Liway, practice lang."

"Hay, anghel ka talaga."

"Pero magdala ka ng bangko para maabot mo yung mataas na part."

"Nice pinsan, hahaha!"

"Lumakad na nga kayo, sobrang nakakataba ng puso yung mga sinabi niyo eh."

"Welcome!" Sagot nila.

Aba't?

Tumambay pa ako ng ilang minuto sa cafeteria dahil nagme-meeting pa sina Ser. Habang nakahalumbaba ay naalala ko si Dal.

Kamusta na kaya ang lalaking 'yon? Kinalikot ko ang selpon at hinanap ang number niya tyaka tinawagan.

"Yes hello?"

"H-hello, Dal."

"Liway?"

"Oo hehe,"

"Hey! How are you?"

"Im fine, thank you."

"Hahaha, Im glad that you're okay."

Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]Where stories live. Discover now