Chapter 5: The Acquitance

50 7 7
                                    










"Bilisan mo, Liway, iiwan ka na namin." Pagmamadali sa akin ni Nile.

"Bat ga ka-hamit niyo? Kita nang nag-aayos pa ng gamit eh."

"What? Ano yung 'hamit'?" Tanong ni Angel, in short sa Angeline. Malamang di ba?

"Excited, nagmamadali, ihing-ihi."

"Ang dami namang definition, hahaha." 

Ang saya talaga nareng si Nile, maligaya siguro lovelife nito. Ka lalaking tao, sobra makatawa. Nagmadali na ako at hamit na nga ang dalawa.

Dalawang linggo na ang nagdaan ng magsimula ang klase at sumatotal ay ayos naman ang lagay ko dine, sana nga laang ay magtuloy-tuloy.

May mga nangmamata minsan pero hinahayaan ko na, magkaka sore eyes din 'yang mga 'yan.

Tumuloy na kami sa gymnasium at naupo, may announcement daw si Madam Principal.

"Good afternoon everyone!"

Bumati kami pabalik at nagsalita na siya tungkol sa hindi ko alam. Natawag laang ang aking pansin ng tawagin niya si Dal.

Si Dal my loves!

Akalain mong SSG President pala ang taong a're?

Simula nung nag test ako para sa scholarship, hindi ko na uli siya nakausap. Natatanaw ko laang siya na pabalik-balik sa Office ng Principal at sa Office ng SSG, napaka busy niyang tao.

"Good Afternoon my co-students, you are gathered here today to inform that we will have an Acquitance Party this friday night."

May mga hiyawan akong narinig at iba't ibang reaksyon.

"Our Theme for our AP this year is.. Disney."

"What? It's so childish!"

"Woaaah! Co cute!"

"My gosh? Disney?"

"Calm down, I know its unexpected. It will be a Disney Theme because it's inspired by our late Principal and the owner of our beloved school, Mr. Crisostomo Garcia who really love's fantasy."

"And also, this friday is his 4th Death Anniversary and we will remembering it with a joyful event because he is known for being a happy and lovely man."

Naintindihan naman ng ilan pero syempre, may mga maarte pa ring ayaw tanggapin. Patay na nga yung tao ayaw pa pagbigyan, dalawin sana kayo isa-isa.

"And to make our Acquitance Party exciting, you can choose your date for that night! You can be a beautiful Princess with a handsome Prince in our party."

Pinauwi na kami pagkatapos ng announcement dahil may meeting pa raw sila.

"A date? Sounds exciting."

"Anong exciting do'n, Nile? Ipamukha sa mga single na forever silang lonely?" Reklamo ni Angel.

"Ang bitter mo talaga. Palibhasa kasi, alam mo nang walang magyayaya sa'yo."

"Ang kapal mo, akala mo ikaw magkakaroon?"

Ang ligalig talaga nang magpinsang a're.

"Oo naman no, eto si Liway." Sabay angkla sa braso ko.

"Ako? Anla, ayoko nga."

"Wow? Ang choosy mo, ano tingin mo sa akin cheap? Sunduin pa kita diyan ng Limo sa friday, ano?"

"Wag na, may Limo din ako,"

"Talaga? Limousine?"

"Hindi, Limong piso lang." Tinawanan laang ako no'ng dalawa.

Ang mga nilalang na mabababa ang kaligayahan.

Naghiwa-hiwalay na kami sa harap ng school at sumakay na rin ako sa kotse, napatingin ako sa katabi ko na diresto ang tingin sa unahan.

Nakakausap ko laang siya kapag nasa bahay kami pero lalo akong hindi kinausap ng taong a're ng hanapin niya sa akin ang jacket niya.



~Flashback~

Sumasayaw ako sa harap ng halaman habang nagdidilig ng may tumawag sa akin na akala mo'y nananakot dahil sa lalim ng boses.

"Hey batangueña,"

"Ay batangueña mo 'to!"

"Where's my jacket?"

"Iaabot ko na laang sayo mamaya, nagdidilig pa ako. Tyaka, nilalabhan ko pa."

"Then why are you here if you're doing a laundry?"

Tinignan ko siya na parang napaka hiwaga ng tanong niya.

"Aba'y baka pwedeng iwan 'yon sa washing, ano? Hindi naman 'yon tatakbo mag-isa."

"Washing? You put it in washing machine?"

"Saan pa ga pwedeng labhan 'yon? Sa paso?"

"Aish! Stupid!" Tumalikod siya at dire-diretsong umalis.

Problema no'n?

Tinuloy ko na laang ang pagdidilig ko at handa na akong kumanta ng may narinig akong basang basahan sa semento.

"Look what you done!"

Tumingin ako sa basahan sa semento--teka? Ito ba yung jacket? Bakit garne ang itsura?

"Anong nangyari d'yan?"

"Do you really have to ask that? You are the who did it! This type of jacket can't be done in washing machine because of its texture."

Punit-punit na ang jacket at kumupas na rin ang kulay. Ay siya? Akala ko manipis laang talaga.

"You'll pay for this. A lot."

Dumaan ang ilang linggo at hindi pa naman niya ako sinisingil kaya siguro nakalimutan niya na, mas maige yun. Dumating naman si Madam ng matapos kaming maghapunan.

Narine kami sa sala at gumagawa ako ng assignment dahil hindi abot ang wifi sa kwarto namin, si Ser Elios naman ay nagbabasa ng libro.

Oho, medyo spoiled ako kay Madam kaya naman garne ang estado ko sa bahay.

Noong una, ayokong pumayag at dahil nga ang unfair sa iba, kaso nilinaw naman niya na talagang 'special' daw ako.

O diba? Ang lakas lang maka-lomi?

Nasanay na ang ilang kasambahay sa pagtrato sa akin ni Madam kaya di na sila nag-iisip ng kung ano-ano.

"Im here! How's your day, Marie? Li'l brother?"

"Fine,"

"Ayos laang naman, may acquitance daw kami sa biyernes."

"Oh? A party? I'll take care of your look Marie, okay?"

"Sa biyernes pa naman 'yon."

"I know but ngayon pa lang, ihahanap na kita ng babagay sayo, hihi."

"Aba'y sige. Sabi mo eh, hehe."

























--
~Dont forget to VOTE, COMMENT and SHAAAARE guys. Thank youuu 💌~

Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]Where stories live. Discover now