Pigil hininga kong tinanggal ang kumot sa katawan ko para hindi magising si Junior. Pinakatitigan ko muna ang Itay at nasiguro ko namang mahimbing ang tulog niya dahil nakanganga pa siya.
Halos abutin ako ng siyam-siyam para lang hilahin ang dextrose ng tahimik at makalabas, dumagdag pa ang pasa at sugat ko.
"Ms. Abante."
Napatalon ako sa gulat ng may magsalita sa likod ko. Isang binata at gwapong Doctor ang pumunta sa harap ko.
"Strolling at the hallway in middle of the night is not good for you."
"Sorry Doc hehe, may dadalawin laang ho sana ako."
"Why not doing it tommorow?" Ngumiwi ako.
"Medyo ayaw ho ng Tatay ko na dalawin siya." Ngumiti siya.
Puyat na't lahat pogi pa rin.
"That's why you escaped?" Tumango ako.
Natawa naman siya ngayon.
"So what's the name of your friend? Or should I say... Boyfriend?"
"Eh? P-Paano niyo ho nasabing boyfriend ko ang dadalawin ko?"
"Let say that, you're not the first person here to do that. Come, I'll take you."
"T-Teka ho, di ga't may trabaho pa kayo?"
"My shift is done, and Im on my way to change when I saw you."
Hinila niya na ang dextrose ko at tinanong kung saan ang punta namin.
"Kay Elios Braze Saunders ho."
"Hmm.. Saunders? I think he's only a room away."
Tama naman ang sinabi niya dahil apat na kwarto lang ang nadaanan namin at nasa harap na kami ng kwarto niya.
Siya na ang nagbukas ng pinto at nakita ko si Elios na mukhang tulog na.
"Ay siya, tulog na ata."
"See? Just do it tommorow." Isasara niya na ulit ang pinto ng tumigil siya.
"Bakit ho?" Tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Do you want me to accompany you again tommorow?" Hindi ko naiwasang magulat.
"H-Ho? Eh di gat busy kayo? Tyaka, malapit laang naman ho a're sa kwarto ko."
"I insist." Ano daw?
"You're too disturbing for the patient."
Lumingon ako kay Elios na mukhang nagising sa chikahan namin ni Doc.
"And that's the best way for him to stand up." Bulong niya at tumawa ng mahina.
Kunot noo akong tumingin sa kaniya at pagharap ko ay malapit na si Elios sa pwesto ko.
"I believe you're about to go home, Doc."
"Yeah, it just happened that I encounter this lovely lady."
Kinuha ni Elios ang dextrose ko at hinawakan ako sa pulsuhan.
"Thanks, you can leave now."
Napamaang ako sa pakikipag usap ni Elios sa gwapong Doctor na a're.
"Hoy, Doctor 'yang kausap mo" Tamad niya akong tinignan.
"Im aware."
Natawa pa si Doc bago magpaalam. Pumasok kami sa may kadiliman niyang kwarto at nang bubuksan ko ang ilang ilaw ay pinigilan niya ako.
YOU ARE READING
Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]
Teen FictionBatangueña: Ang Babaeng may tatlong "M": •MAY Kaingayan. •May Katapangan. •May Pagmamahal na Tunay.