"And this is the formula for the computation of getting the speed and velocity. Do you understand?"
"Yeeeeeess," Tamad na sagot ng mga kaklase ko.
Ako? Hindi na ako sumagot at hindi ko naman naitindihan.
"Okay, get one half sheet of paper."
Nagising ang diwa ko sa pa one half sheet of paper ni Maam. Ay siya, magqu-quiz pa ata.
"Answer this for 30 minutes and pass it with explanation at the back."
Habang nagsasagot ay napatingin ako sa magpinsang seryosong nagso-solve.
Edi kayo na nakikinig at nakaintindi.
Handa na akong yumuko para matulog ng maalala ko si Madam.
Sige Liway, gumay'an ka, eh scholar ka laang naman.
Sinimulan ko nang magsulat at magsagot kahit ang kalahati ng sagot ko ay kopya laang sa dalawa.
Naniniwala kasi ako sa kasabihan na:
"Sa Kaibigan humingi ng sagot, para di bumagsak at kay Nanay ay di malagot." Bow.
~Lunch Time~
"Ano? May susuotin na kayo sa friday?" Bungad ni Cass pag upo namin.
"Wala pa nga e, suggestion nga diyan?"
Pinasadahan ni Cass si Nile ng tingin.
"Based sa skin color mo, pwede kang si Jack Frost."
"Nice, pwede nga."
"Ako! Ako, sino ako?"
"Si Angel?" Sagot ko sa kaniya.
"HA,HA,HA very funny."
"Maputi ka rin kasi, Anna or Elsa? Pwede ring Aurora and Cinderella."
Lumingon sa gawi ko si Nile.
"Si Liway? Anong pwede?"
"Hmmm, kung titignan mo siya mula ulo mukhang paa--"
"At ikaw ang Luya," Dugtong ko. Manlalait pa eh.
"Manahimik ka. Kung ibabase mo naman sa apperance niya na maliit at medyo payat, Elf ni Santa?"
"Nang, ang sama nare. Mas gugustuhin ko pang maging dwarf ni Cinderella kesa maging Elf ni Santa!" Lalong lumakas yung tawa nung tatlo.
Ano? Tatawag na ako ng ambulansya papuntang mandaluyong?
"Snow White 'yon, tuleg! Daga lang ang meron siya."
"Wag mong sabihing puyat ka nung nanonood ka ng Cinderella?"
"Kasalanan ko gang pirated pala 'yong napanood ko? Tinulungan ko laang naman yung tao para makabenta."
Tumayo na ako para umorder ng pagkain, baka mang-gigil ako sa tatlo at mahampas ko pa.
"Hey, Liway."
"Uy, Dal!"
Salamat naman at nakatagpo ako ng kausap na matino na, cute pa.
"How are you? Ang tagal na rin nating 'di nakapag usap after that day."
"Oo nga e, ayos laang naman at alam kong busy ka,"
YOU ARE READING
Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]
Teen FictionBatangueña: Ang Babaeng may tatlong "M": •MAY Kaingayan. •May Katapangan. •May Pagmamahal na Tunay.