[Wrong grammars and cursing ahead]
(Angeline P.O.V)
"Gets mo na ba? Babatukan na kita kung hindi."
"Oo na, nakuha ko na."
Inirapan ko siya at kinuha pabalik ang notebook ko.
"Hindi pa ako tapos."
"Nasaan ba kasi notebook mo?"
"Nasa bag."
"Edi ilabas mo!"
"Walang laman."
Muntik ko na siyang mahampas dahil sa sagot niya.
Hindi ko na kailangan ng boyfriend, dito pa lang ubos na oras at pasensiya ko.
"Mag-aral ka nga, hindi tayo habang buhay magkasama okay?"
"Bakit? Iiwan mo na din ako?" Nagpaawa siya ng mata sa akin.
"Din? So ano? Iniwan ka? Nino?" Nameke siya ng ngiti.
"Wala, o.a lang ako minsan."
"Sus, nagse-secret ka na sa akin."
"Hindi ah, ano lang.. basta its complicated pa." Luminga siya saglit.
"Teka? Saan nga pala si Liway? Nakabalik na ba siya?"
"Ewan, hindi naman nag chat sa akin."
Hinanap ko si King at nakita ko siyang nakangiti habang may katext.
Ang creepy kiligin ng boys.
"Pst! King!"
Lumingon siya sa pero hindi pa rin nawawala ang ngiti niya.
"Nag chat sayo si Liway?" Umiling siya at binalik ang atensyon sa cellphone.
K, ikaw na inlove.
Dumaan ang kalahating araw ng exam pero hindi pa rin pumapasok si Liway. Gusto kong itanong kay Cass pero siguradong busy din sila.
Hindi kaya nasa batangas pa rin siya?
"What's with Liway? She missed the morning exam."
"Triny kong tawagan pero nagri-ring lang."
"Dont tell me she enjoyed her vacation?"
Nagkibit balikat kami sa tanong ni King dahil wala rin kaming isasagot.
Hindi namin nakasabay sina Cass sa cafeteria dahil naiba ang schedule ng exam nila, kaya hindi ko rin natanong kung nagsabi ba sa kaniya si Liway.
"Ms Ancheta, Mr. Alejandro." Huminto kami sa paga-ayos ng gamit.
"Sumama kayo sa akin sa office ko."
Sinabihan namin si King na hintayin kami dahil nagyayang mag meryenda si Cass. Binaba ni Ms. Bautista ang mga test papers namin at pinaupo kami.
"May I know where's Ms. Abante? Mahigpit na pinagbawal ng principal ang pag absent ngayong araw."
"Sorry Maam, hindi rin po siya nagsabi sa amin."
"Please tell her na kailangan niyang pumasok bukas, or else mabibigyan siya ng punishment."
Tumango kami at umalis sa office niya pagkatapos niyang magpatulong sa mga test papers.
YOU ARE READING
Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]
Teen FictionBatangueña: Ang Babaeng may tatlong "M": •MAY Kaingayan. •May Katapangan. •May Pagmamahal na Tunay.