Pagkatapak ko pa laang sa gate ng school ay para na akong artista kung pagtinginan. Sasawayin ko pa laang sila ng maalala ko kung bakit.
"Okay lang pala na pagnasaaan ni Liway si Elios,"
"Ano?!"
"Oh bakit? Ikaw ang girlfriend diba?"
Naku Cassidy, a're na nga ba ang sinasabi ko eh.
Habang papalapit ako sa room ay lalong dumarami ang bubuyog sa paligid ko, daig ko pa isang malaking bulaklak para pagkaguluhan. Agad akong pumasok sa room at naupo.
"Nagmamadali ka yata?" Salubong sa akin ni Nile.
"May chismosa na naman sa labas no?"
"Ano pa nga ga?"
"Habaan mo na lang pasensya mo, ikaw na mag-adjust." Nakatango pang sabi ni Angel.
"Teka? Di nyo ga akong tatanungin kung bakit ako pinag-uusapan?"
"Na ano? Girlfriend ka daw ni Elios?"
"Na nakita ka daw na nasa higaan niya?" Magkasunod nilang tanong.
"Huwag niyong sabihing naniniwala kayo do'n?"
"Kaya nga di kami nagtatanong kasi 'di naman totoo."
"Kilala ka namin, pati na rin si Elios."
Tumayo naman ako at niyakap ang magpinsan.
"Hindi ako nagkamali ng piniling kaibigan, salamat sa tiwala, suporta at pananalig" At niyugyog ko silang dalawa.
"Syempre, alam kaya naming hindi ka type ni Elios."
"May taste naman 'yon kahit papaano." Pabiro ko naman silang binatukan.
"Di niyo pa tinuloy pagsipsip niyo 'no?"
Kahit di nila tinanong ay kwinento ko pa rin ang nangyari kaso, may sumabat.
"Now, what? Gandang-ganda ka na siguro ngayon sa sarili mo,"
"For all we know, tin-ake advantage mo yung kalagayan ni Elios,"
"Sinong matinong babae ang gagapangin ang lalaki? My gosh girl, ang lakas ng loob mo."
"Kung maglalabas lang kayo ng masamang polusyon mula sa bibig niyo, mas maiging manahimik na laang kayo."
"Wag kang pakampante lalo na ngayon, self-proclaimed girlfriend!" Inirapan nila ako bago umupo. Huminga ako ng malalim para mabawasan ang inis ko.
"Yan na, tandaan mo ha? Habaan ang pasensya." Sabi ni Nile at kinindatan ako.
Halos kalahating araw na akong pinag-uusapan kaya kahit paano ay nasanay na ako na sa pagbulong-bulong nila.
Humanda ka sa akin Cassidy, itatapon kita sa Bulkang Mayon.
Nakita ko siya sa isang lamesa at nakatutok sa selpon.
"Alam niyo ba, Angel, Nile? Nakakaramdam ako ng inis at gusto kong ibunton yun sa isang tao." Tumingin ako sa isa at aba, hindi naalis ang tingin sa selpon.
Hindi ako nakapag pigil at binatukan siya ng medyo malakas para madama niya na may kasamang sama ng loob 'yon.
"Aray naman, Liway!"
"Alam mo na ga ang resulta ng ginawa mo? Aba'y daig ko pa artistang nabuntis kung pag-usapan dahil sa sinabi mo eh."
"Sorry na nga, diba? Kasalanan ko bang ang tatanga ng mga kaklase ko para maniwala?"
YOU ARE READING
Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]
Teen FictionBatangueña: Ang Babaeng may tatlong "M": •MAY Kaingayan. •May Katapangan. •May Pagmamahal na Tunay.