Chapter 37: Kilig Effect

13 1 0
                                    






"Good morning Elios,"

"Good morning."

"Good morning Mr. Saunders,"

"Good morning Ms. Salonga."

Halos picturan ko ang itsura ng mukha ni Ser ngayon. Maaliwalas at may konting ngiti sa labi tuwing magbabalik ng bati.

Mukhang sinunod ang advice ko, beri gud!

"Good morning Pres!"

Masiglang bati ng mga nasa Theatre Room. Biyernes ngayon kaya buong araw kami sa Club namin, napaganda naman yun para mas mahaba ang oras ng practice.

"Good morning."

"Wow, its been a long time ng maging good mood ka." Ngumisi laang siya sa sinabi ni Jon.

"Well, lubusin na natin at baka wala na bukas, haha!" Kahit siya mismo ay mahinang natawa sa sinabi ni Kyler.

Naku, naku, iba na ito.

Kahit kaninang umaga ay nagulat ako nang yayain niya ako na sumabay sa kaniyang mag agahan, pinasabay niya rin ako sa kotse hanggang sa pagbaba.

"Di ka maiilang? Baka di pa tapos ang araw pag chismisan na naman tayo?"

"You're being malicious, we will just walk together" Pormal nyang sabi.

"Ikaw kaya una dyan,"

"Yeah right."

Hindi na naman ako sumagot at baka biglang mawala sa mood.

"Next week will be our last practice, at dahil tapos na natin ang group and duets, magfo-focus na tayo sa solo's."

"Magpa-practice na rin tayo ng may mga back drafts and others para magamay nating mabuti sa performance."

Pagkatapos ng kalahating araw ng pagpa-practice ay para naman akong mawawalan ng boses.

Ang sarap lang talagang saktan ni Rizza, sa kaniya kami paulit-ulit dahil pinapangunahan niya ako. Nauuna yung buka ng bibig niya kesa sa akin kaya ako ang kawawa.

"Here."

Napaigtad ako sa boses ni Ser, inabot niya sa akin ang bote ng tubig.

"Salamat." Ininom ko iyon at halos mangalahati ako.

"Rest your throat for a while."

"Ay, yun talaga gagawin ko. Nakakayamot yung babaeng 'yon."

"Yeah. I almost drag her down to the stage, she's being 'pa importante'." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at natawa.

Di ko inaasahan yun ah? Haha!

"Isa pa nga?"

"No, I already said it."

"Ang cute, HAHAHAHA!" Malakas kong tawa at napailing naman siya sa akin habang may konting ngiti.

"You're crazy."

"🎶Lintik na pag-ibig, parang kidlat🎶"

Napatingin kami kay Kyler na kunwari pang may hawak na guitara.

"Tss, finish what you're doing!" Inis niyang sagot at tumayo paalis.

Niyaya ko ang magpinsan na mag tanghalian kaso busy, lalo naman si Cass at siya na naging President sa Club nila ng mawala si Dal.

Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]Where stories live. Discover now