"So, saan gala niyo ngayon?" Tanong ni Cass sa kabilang linya.
"Hindi ko pa alam, baka nga matulog na laang ako,"
"Ang boring mo naman, yayayain mo siyang mag date,"
"Anlahoy, baka may gagawin pa 'yon."
"Hindi 'yan! Tanungin mo kasi,"
"Eh bakit ka nasigaw?"
"Wala lang. Sige na aalis na kami,"
"Sige, wag ka nang bumalik,"
"Hindi pwede, hahanap-hanapin mo ako,"
"Weh? Bakit? Batangas ka ba?"
"Tuleg ka. Masira sana araw mo, hmp!"
Pinatay niya ang tawag at humiga ulit ako sa kama.
Ano nga ano? Mag date kaya kami?
Linggo ngayon at narine laang ako sa kwarto dahil tapos na ako sa gawain ko. Tumitig ako sa kisame at iniisip pa rin kung yayayain ko siyang lumabas.
Nagdiwang kami ng first monthsary namin noong huwebes. Oo, isang buwan na pala ang lumipas nang maghilahan si King at Elios sa braso ko na siya ring ikinahimatay ko.
Di ga dapat pag first monthsary, kahit papaano ay nagce-celebrate? Nagbatian laang kami nung huwebes at dahil nga katatapos lang ng exam ay busy siya.
Pero ngayong alam kong pahinga niya, naghihintay ako na baka maisipan niyang lumabas kami o kahit kumain man laang ng ice cream sa parke.
"You're thinking of me?"
Napabangon ako at ngumiwi sa kaniya.
"Medyo hehe,"
Lumapit siya akin at may nilahad na maliit na kahon.
"Ano 'to?"
"Open it,"
Sinunod ko siya at nakita ang ang isang kumikinang na bracelet sa lalagyan. Napatingin ako sa kanya at ngumiti naman siya.
"S-Sa akin 'to?"
"Obviously," Sinamaan ko siya ng tingin.
"Ito, hindi man laang ako pinakilig ng bahagya sa sagot eh," Natawa siya ng maiksi at kinuha ang porselas.
Manipis siya, kulay ginto na may design na araw at ulap. Kinuha niya ang pulsuhan ko at sinuot yun. Hindi maluwag, di rin masikip, sakto laang.
"Ay siya, baka maging mainit ako sa mata ng holdaper,"
"Tsh, you should saying 'wow, its beautiful', not that kind of statement about robbery."
Hinawakan ko siya sa pisingi at hinalikan sa ilong habang natatawa.
"Bawi-bawi lang hahaha, date tayo?"
"Im about to ask you that,"
"Oh 'yon pala eh, tara maligo na tayo." Yaya ko sa kanya sabay tayo sa higaan.
Ngumisi naman siya ng nakakaloko.
"We? Together?"
Kumuha ako ng unan at hinampas siya.
"Mag-isa ka!"
Lalabas na sana ako ng malamang kwarto ko nga pala iyon.
"Teka, ikaw pala dapat ang lalabas"
YOU ARE READING
Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]
JugendliteraturBatangueña: Ang Babaeng may tatlong "M": •MAY Kaingayan. •May Katapangan. •May Pagmamahal na Tunay.