Chapter 7: You're My Date

32 7 1
                                    










(Sorry sa grammar ey, hehe)

"Will you be my Date to the party?"

Napatingin ako sa kanan at kaliwa ko. Ako talaga ang kausap nito?

"Ako? Ako ga ang tinutukoy mo?"

"Yes, and Im asking you."

"Ka-date? Para namang hindi ako bagay maging partner mo eh, sa iba na laang, hehe."

"I really dont have the confidence to ask someone except sa'yo. Tyaka, sayo lang ako naging komportable ng mabilis when it comes to communicating with a girl."

Ayaw niya daw sa iba? Edi sa akin ka na laang kung gay'on! Joke.

"Salamat, kaso hindi ko nga alam kung ako'y pupunta at--"

"Then you have a reason now. And this is a special request from the President of the Supreme Student Government."

"Aba'y bakit--"

"I will wait for your answer on Thursday."  At kumindat siya bago tumalikod.

Umalis na siya habang ako'y natulala pa ng ilang segundo.

Ako daw? Ako daw ang date niya sa biyernes?
Weeeeeh? Di ngaaaaa?

"Liway! Magse-second bell na, bahala ka d'yan!" Rinig kong sigaw ni Nile.

Tumakbo ako habang di maalis ang ngiti sa labi ko.

Kinikilig ako ano ba!

"Ang ganda ng ngiti ah? Anong sinabi ni Mr. President sayo?" Usyoso ni Nile.

"Ha? Wala, nagtanong laang naman."

"Ano naman daw? Kung pwede ka niyang ka-date?" Natatawang tanong ni Angel.

"Narinig mo kami?"

"Teka? 'Yon talaga yung tinanong niya sayo?"

"Wow, asensado Liwayway ha? Pang SSG President ang level ng ganda," Pang-aasar ni Cass.

"Bakit ga parang kamangha-mangha 'yon? Maganda naman ako ah?" Kanya-kanya silang reaksyon.

"Aba'y di hindi na! Ubuhin sana kayo ng tuluyan." Napatingin yung ilang kasabay namin paglalakad dahil sa lakas ng boses ko.

"So it's true? Dal ask you?"

Sabay-sabay kaming lumingon sa tatlong babae na nasa likod namin.

"Ay hindi, joke laang 'yon. Parang sobrang imposibleng mangyari no'n diba?" Hindi ko na napigilang mambara.

"Yeah, dream on girl. Hindi ang katulad mo ang magiging first ever partner ni Dal sa party, 'cause Im the one who will be his Date." At tyaka umalis ang powerpuff girls.

Bakit ko nasabi? Aba'y di ko alam kung nagkataon laang pero pink, green, at blue ang mga make up at ipit nila sa ulo.

Dumiretso na kami sa room at si Cass naman ay sa Library dahil doon daw ang susunod nilang klase.

Hindi ako nakapakinig ng ayos sa klase hanggang mag uwian, gawa nga ng sinabi ni Dal at yung mga taong akala mo talaga Prinsipe ng England ang nagtanong sa akin.

Iniisip ko tuloy kung papayag pa ako, pero nakakahiya naman kasi 'first ever date' daw ni Dal 'yon mula ng pumasok siya dito.

Grabe? Ano 'yon? Binabalandra niya lang yung ka-pogian nya? O baka naman...? Ay Liway! Malabong maging alagad ng berdeng dugo 'yon.

Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]Where stories live. Discover now