"Junior, pakipulot nga ng kalat sa ilalim at kitang-kita."
Lumusot siya sa ilalim ng kama at nauntog pa pagkalabas.
"Aray ko,"
"Buti nga sayo."
Sinamaan niya ako ng tingin.
"Ay grabe, ang lakas ng loob."
"Buti nga rin sayo, hindi ka dinadalaw."
Sumimangot ako at binato siya ng unan.
Ngayong araw ang labas ko sa hospital at sa loob ng dalawang araw na pag-uusap namin ni Elios ay hindi na siya nagpakita sa akin.
Nabanggit nila Cass na nakalabas na siya kahapon kaya hindi ko alam kung tutuloy pa ako sa mansiyon o ano.
"Good afternoon."
Napalingon kami sa pumasok at nakangiting bumungad sa amin si Doc Gwapings.
"Oy Doc,"
"Doc. Marasigan is not available, so he let me to accompany you in your dischargement."
May binilin siya sa Itay at inabot niya ang reseta ng gamot. May Nurse na nagtatanggal ng dextrose ko na may pahabol pang gamot na nilagay sa akin.
Pinasakay nila ako sa wheelchair hanggang sa pagbaba pero ang pinagtataka ko ay bat hanggang dine ay kasama si Doc.
"Parang ang bait niyo naman ho sa akin masiyado Doc at naihatid niyo pa ako hanggang pagbaba" Natawa siya.
"I just love assisting my special patients." At kumindat pa.
Inalalayan niya akong tumayo pero agad din akong napaupo dahil sa biglaang pag ikot ng paningin ko.
Lumindol yata?
"Ms. Abante? Is everything okay?"
Hindi na ako nakasagot dahil sa antok na nagpasara ng mga mata ko.
"The pair of shoes is wrong, hindi bagay sa damit niya."
"Mamsh, okay na itong hikaw niya?"
"Yes, I like that. Sige itabi mo dito sa table."
Mabilis kong minulat ang mata ko ng makarinig ako ng usapan ng mga bakla.
"Aray," Ani ko sa mabilis na pag upo.
"Hush Darling, hindi ka pa magaling."
Tumingin ako sa kaniya at sa mga kasama niyang abala sa paghahanda ng pampaganda. Pinagmasdan ko ang kwarto at hindi ko yun mapamilyaran.
"N-Nasaan ako? Bakit ako narine?"
"Obviously, we are doing a total make over." Mataray niyang sabi.
"Bakit? Tyaka, kalalabas ko laang ng hospital ah?"
"I dont know Lady, we're just doing our job."
Tinayo niya ako at inupo sa harap ng malaking salamin.
Ngayon ko lang nakita ang sarili ko pagkatapos ng insidente kaya agad na dumapo ang tingin ko sa pisngi ko.
"Ano ba naman 'yan? Hindi na nga kagandahan, nagkasugat pa sa mukha."
"Dont worry, tatakpan natin 'yan at ang mga pores mo." Napahawak ako sa mukha ko.
YOU ARE READING
Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]
Teen FictionBatangueña: Ang Babaeng may tatlong "M": •MAY Kaingayan. •May Katapangan. •May Pagmamahal na Tunay.