[Wrong grammar aheads hshshs]
"Want some?" Alok ni King sa akin ng tubig. Tinanggap ko 'yon at naupo siya sa tabi ko.
"Salamat,"
Nandito kami sa isang maliit na parke malapit sa school, nasa kabilang parte ng parke si Astrid at Elios na kasalukuyang nag uusap.
Kahit ilang araw kong pinag isipan ang kagustuhan ni Astrid, 'di ko pa rin maiwasang matakot sa kahihinatnan ng usapan nila.
"I missed being close to you like this,"
"Ako rin, nakakamiss rin pala mga joke's mong waley?"
"Psh, waley? Ikaw kaya unang tumatawa,"
"Aba'y siyempre, supportive ako eh."
"No, just admit that you like the way I drop those jokes," Napangiwi ako.
"Eh kung ibato ko sa'yo yung mga jokes mo?" Natawa siya.
"Pero nga pala, di mo sinabi sa akin noon na si Astrid pala yung babaeng gusto mo,"
"Of course, you're the girlfriend,"
"Oh ano naman?"
"Ayokong ma-awkward ka sa akin, you are one of my closest friend,"
"Naks naman, akala ko si Astrid lang laman ng mundo mo eh, haha!"
"Well, she is." Nilapag niya ang iniinom na tubig.
"Kahit alam mong iba ang tinuturing niyang mundo?"
"Im aware, fully aware. I know that she still wants him, still longing for his hugs and kisses despite of my presence." Bumuntong hininga siya.
"But I can't stop loving her, lalo na't minsan siyang naging masaya sa akin. I can't just throw that away, ngayon pa ba? Na may iba nang mahal si Elios?"
"Sabi niya sa akin, kahit alam mong sila na ni Astrid, hindi ka pa rin lumalayo?"
"That's true. Sounds possesive right? Pero sobrang mahal ko na si Astrid noon pa man, and alam kong may feelings din siya sa akin. Naging confident ako na kahit nandiyan si Elios sa tabi niya, ako pa rin ang pipiliin niya. But I was wrong, di ko napansin na sinisimulan niya na palang gumawa ng bagong mundo kasama si Elios."
"May nagbago ga ng magtapat ka sa kaniya? Hindi naman siguro nawala agad yung nararamdaman niya sayo,"
"Akala ko rin, pero mas may oras na siya kay Elios kesa sa akin. Kapag tumatawag ako, she always saying that she's with Elios. Hanggang sa naging laman na ng sistema niya si Elios, psh."
"Alam kong bitter ka pero, di ga't tinutulungan niya noon si Elios na makalimot sa pagkamatay ng mga magulang niya?"
"Im not against on that, minuto lang ang hinihingi ko pero naging mahirap sa kaniya 'yon,"
"Kung mahal mo, dapat naiitindihan mo siya,"
"I know, pero unfair lang kasi. Hindi naman dahil mahal mo, hindi ka na magiging against sa ginagawa niya, lalo na't nasasaktan ka na." Natigilan ako saglit.
"Pero.. kung nakakatulong naman siya, bakit hindi?"
"Helping is good, not until you choose to hurt someone by prioritizing one. It should be balance, you should know the consequences," Kinuha niya ang maliit na bato at tinapon.
YOU ARE READING
Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]
Teen FictionBatangueña: Ang Babaeng may tatlong "M": •MAY Kaingayan. •May Katapangan. •May Pagmamahal na Tunay.