Muntik pa akong madapa sa pagpasok ko ng kotse dahil sa pagmamadali.
"Ay pusang itim!"
"Slow down." Alalay sa akin ni Elios papasok. Nagpasalamat ako at pinagmadali si kuya ceddie.
Bakit ako nagmamadali? Dahil laang naman ni Nile! Dinaldal ako ng luko habang may pinapaliwanag ang leader namin, kaya di ko narinig na ngayon pala ang simula ng project namin. Idagdag mo pang na tanghali ako ng gising dahil sa maulan na panahon.
"You didn't eat breakfast, let stop in cafeteria before I drop you in your classroom."
"Wag na, mamayang lunch na laang siguro. May dala naman akong sandwich." Tumango siya at ngumiti.
Nang makarating sa room ay napakalibot na sila at dalawang upuan na laang ang hinihintay mapuno.
"Nandito na si Liway." Tumabi ako kay Meryl.
"Sino pang hinihintay?"
"Si King pa."
Halata talagang di ako nakikinig dahil di ko alam na ka grupo ko pala siya.
"We have 30 minutes bago pumasok ang teacher natin, I have some information here para sa first project natin."
Hindi naging mahirap ang pakikinig namin kay Paul dahil kokonti pa lang kami sa room. Binigyan niya din kami ng mga gagawin para daw fair sa lahat, inamin niya rin na strikto siya at di siya manghihinayang magtagal sa grupo namin.
"Im sorry, Im late."
Halata namang kagagaling laang sa takbo si King at nagmadaling umupo sa tabi ko.
"Its okay, first day pa lang naman natin."
Binigyan siya ng papel at inulit ni Paul ang ilang sinabi niya kanina. Nagsimula nang mapuno ang room kaya bumalik na kami sa pwesto namin.
Hindi na rin kami nakapag kwentuhan pa ng matagal dahil dumating na ang morning teacher namin.
Sumapit ang lunch kaya tinawagan ko si Elios para sabay na kami papuntang cafeteria, kaso hindi niya sinasagot. Nakatanggap naman ako ng text mula sa kaniya.
From :Jagi ❤
[I need to finish something. Wait me at the cafeteria.]
Sumabay na ako sa pagbaba sa kanila at habang naglalakad ay lumapit ako kay King.
"Ba't ka late?"
"Natulog ako sa bahay nila Clarissa."
"Sinong Clarissa? Napagpalit mo na agad si Astrid?" Ngumisi siya.
"You know that's impossible. Clarissa is Astrid's second name."
"Ahh. Siya Clarissa, ikaw Juleous? Gano'n ba?"
"We really used to call each other by our second names, pero ayaw niya na ngayon. Sinisimulan ko ng sanayin ang sarili ko to prove that I still respect what she wants even though its hard for me." Napangiti ako sa kaniya.
"Alam mo, kung wala akong jowa? Siguro, crush kita. Ang sweet mo, lintek." Hinampas ko siya sa braso.
"Ayan, may nagtataksil na." Danggi ni Nile sa braso ko.
"Mukha mo, may kasalanan ka pa kaya sa akin."
"Ano 'yon?"
"Sa sagaran ng pagka-kakuda mo kahapon, muntik na akong ma-late."
YOU ARE READING
Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]
Teen FictionBatangueña: Ang Babaeng may tatlong "M": •MAY Kaingayan. •May Katapangan. •May Pagmamahal na Tunay.