Dedicated to Jejeestrella
"Ay siya, sabi na eh."
"Sorry, Marie. Dumating kasi yung investor yesterday kaya ngayon namin itutuloy yung meeting."
"Ay sige, nariyan na eh."
"I'll drop you na lang sa school and try to text Braze para samahan ka sa registration office."
"Wala na gang iba? Si Sir Elios talaga? Baka naman iligaw laang ako no'n?"
"Okay. To make sure na you na uuwi ka ng safe, Si Dal na lang."
"Sino?"
"Si Dal. He is our--"
*Phone rings*
"Yes?"
"Maam, Mr. Cañaga is already here."
"Okay. I'm on my way na."
*Hangs up*
"Come on, Marie."
Hindi ko na naitanong kay Madam kung sino yung makakasama ko dahil andami nyang kinakalikot na papel.
Nang makarating kami sa harap ng school ay may tinawagan siya.
"Hello.. Where are you?.. Great.. I have someone that you need to approach inside the school.. Make sure that he will come home safe okay?.. Thank you, hihi."
Lumingon siya sa akin pagkatapos.
"Nandyan na siya sa loob, you will wait him na lang sa gate ha? Good luck Marie~,"
Bineso-beso niya muna ako bago ako pababain sa kotse, pampa-good luck ko daw 'yon. Naghintay naman ako sa kasama ko dine sa harap ng gate.
Sandali, Him daw? Aba'y di lalaki 'yon? Balak pa yata akong ipagkalulo ni Madam sa kung sino man.
"Excuse me."
"Ay pusang gala!"
"Woah, haha sorry."
T-teka? Siya yung nasa bahay nila Ser Elios ah? Yung sumambot sa akin, yung maputi yung ngipin!
"We already met right? Yung maid nila Elios?"
"Hehe, oo ako ngayon."
"Wait a minute. Ikaw yung tinutukoy ni Ate Gwynette?"
"Hehe, oo ako ngayon."
"Yung sinasabi ni Elios na stupid daw?"
"Hehe oo ako--Teka, ano?!"
"Kidding haha. Why are you here anyway? I-approach lang naman daw kita pero hindi naman sinabi sa akin ni Ate kung bakit."
"Ah, eh magpapa-enroll sana ako eh." Yumuko ako saglit.
"Sa puso mo." Bulong ko.
"What? Saan?"
"Wala hehe. Para sana sa Grade 11."
"For SHS? Pag-aaralin ka ni Ate?"
"Aba'y hindi. Mag-take laang daw ako ng exam para sa scholarship, tapos siya na bahala."
"I see. By the way, sorry for the informality. My name is Dalphon Luke Estrella. Dal for short." Sabay kindat.
YOU ARE READING
Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]
Teen FictionBatangueña: Ang Babaeng may tatlong "M": •MAY Kaingayan. •May Katapangan. •May Pagmamahal na Tunay.