Chapter 55: Night Out (II)

10 2 0
                                    










"Bat nga ga nakalimutan ko 'to?" Sambit ko sa sarili habang hinahagis sa kama ang mga nakatago kong damit.

Kung magpapantalon laang ako, baka malait pa ako ng matinde ni Astrid. Ang hirap makisama sa mga mayayaman at maarte, piste.

Tuloy-tuloy ako sa paghalungkat ng maihagis ko ang sleeves na dress na binili sa akin ni Elios noong monthsary namin. Napatango ako dahil may sagot na sa problema ko.

Pinatungan ko yun ng manipis na blazer at doll shoes, nag ayos din ako ng konti para naman di ako magmukhang alalay mamaya. Palabas na ako ng may kumatok sa pinto.

"Jagi?"

Nanlaki ang mata ko at tarantang naghanap ng pwedeng ipatong sa katawan ko.

Pabato kong hinagis ang doll shoes at mabilis kong tinago ang head band at bag sa drawer ko. Binalot ko ang kumot sa katawan ko at pinagbuksan si Elios.

"B-Bakit?" Ngiwi ko at sinadya kong liitan ang awang ng pintuan.

"You didn't eat, are you okay?"

"O-Oo naman, medyo inaantok na ako, hehe."

Nameke ako ng hikab at lalong binalot ang kumot sa katawan ko.

"You seems really tired, sorry for interrupting,"

"Wala 'yon. Sige goodnight Jagi, I love you." Napangiti siya.

"I love you too, sweet dreams."

Maingat akong lumapit at mabilis na humalik sa labi niya.

Pambawi sa pagsisinungaling, hehe.

Bakas sa kaniya ang pagkagulat at namula ang pisngi niya.

"Goodnight ulit,"

Napatango siya at panay ang lingon bago nakalakad ng tuloy-tuloy. Medyo may kakapalan ang kumot ko kaya pawis na pawis ako ng alisin 'yon.

"Yan, kinarma ka na agad,"

Napilitan akong ulitin ang pag-aayos ko hanggang sa makuntento na ulit ako.

Panay ang linga ko sa paligid habang lumalabas ng mansyon, halos sumakit din ang likod ko sa pagkakatungo.

Nang makarating ako sa malayong parte mula sa mansyon ay sinalubong ako ng kulay asul na kotse.

"You're finally here! I bet its hard to escape,"

"Sobra, kaya dapat a're na ang una't huli," Natawa siya sa akin at pinasakay na ako.

Habang papunta sa club ng kaibigan niya ay nagsimula na siyang mag kwento.

"Elios and I are really good friends, his parents introduce me to him at napadalas na ang paglabas ng family namin tuwing pupunta sila sa america. We always together kapag dumadating ang summer, I honestly have an eye on him simula ng aksidente niya akong ma-kiss when I was 14." May halong kilig niyang kwento.

"Natutulog siya minsan sa house namin, at ako naman sa kanila, kaya super close kami ni Ate Gwy."

"Nakausap mo na ga siya simula ng dumating ka?" Bahagyang lumungkot ang mukha niya.

"Dinalaw niya lang ako sa hospital but she only stayed for a minute, I know she's kinda mad for what I did,"

"Bakit nga ga kayo naghiwalay?"

Bumuntong hininga siya.

"Maybe sa club na lang? I really need a hard drink to narrate that one,"

Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]Where stories live. Discover now