Chapter 16:Nursuring

19 4 0
                                    








*Tiktilaok, Tiktilaok, Tiktilaok--*

Bago ko pa laang ibubuka ang bibig para humikab ay napahinto na ako sa sakit. Kinapa ko ang pisngi ko at naramdaman ko na may konting pamamaga.

Ay siya, sabi na eh.

Pumunta ako sa harap ng salamin at nakita ang medyo paga na pasa, pero ayos laang naman kung titignan pag malayo. Idagdag mo pa yung maliit na kulay ube sa gilid ng labi ko na parang instant pang himagas na napunta do'n.

Nag ayos ako saglit para tignan si Ser Elios kung humihinga pa. Joke hehe.

May susi naman ako ng kusina kaya madali laang ang pagpasok ko, iniwasan ko laang mag ingay pag akyat ng hagdan dahil baka akalain nila na may nagmumulto na. Nasa dulo na ako ng hagdan ng matalisod ako.

*Thud*

Oh diba Liway? Ang bobo? Sabi nang wag mag-iingay eh.

Tumayo ako kaagad kahit masakit. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ni Ser at walangya, hindi man laang nabago ang pwesto.

Sinong magkaka stiff neck? Si Ser Elios! Una kong tinignan yung likuran niya at nakita kong may pag ka-blue na, ibig sabihin medyo okay na. Ibabalik ko na sana yung kumot nang makaramdam ako ng init.

Wag kang green minded, ibang init yung iniisip mo. Hinawakan ko noo niya at grabe, ang taas ng lagnat!

"Ser? Ser? Gising uy? Ang taas ng lagnat mo."

"Hmmm.."

"Ano?"

"I feel so.. weak."

"Ay siya teka, saglit laang ha? Tatawagin ko laang si Madam--" Naputol ang sasabihin ko ng hilahin niya ako pabalik.

"No. Just stay here, *cough* Its so cold,"

"Mamamatay ka 'pag di ka pa pinatignan, babalik ako saglit laang."

Tumakbo naman ako sa kwarto ni Madam.

"Madam? Madam? Gising ka na ga?" Wala namang sumagot kaya kumatok ulit ako.

"Madam? Oy? May emergency tayo."

"What is it Marie?"

Tumingin ako sa kanya sa hagdanan na may hawak ng tasa.

"Si Ser, nilalagnat na."

"What? Oh my gosh wait, hold this. I'll call our family doctor."

Bumaba naman ako para kumuha ng plangganang maliit at towel. Kinakausap pa rin ni Madam yung Doctor kaya pinunasan ko na si Ser Elios.

"What.."

"Kaya mo gang tumagilid? Tagilid ka nga, ako nahihirapan sa lagay mo eh."

Pinunasan ko muna ang katawan niya bago itagilid at kinumutan. Maya-maya pa ay dumating na yung Doctor at agad na tinignan si Ser.

"What to happened to this?" Tanong niya habang nakatingin sa pasa.

"He got in troubled last night, someone's hit him at the back. Marie already put some first aid on it."

Hinilot-hilot ng Doctor yung pasa niya kaya nagpumiglas siya. Dinamitan siya ni Madam para mas maging komportable at pinainom na rin ng Doktor para sa lagnat.

"The contusion is not that serious, good thing naagapan na siya kagabi. The fever will only last for one day, di lang kinaya ng resistensya niya kaya bigla siyang nilagnat."

Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]Where stories live. Discover now