Chapter 30: The Clubs

23 3 0
                                    








Makalipas ang ilang buwan ng pagpunta namin sa resort ay naging normal na ulit ang takbo ng araw ko. Samu't saring quiz at exam rin ang dumaan pero iisa ang inaabangan kong mangyari ngayong buwan, ang makapasok at makasali sa isang club!

Hindi uso ang club-club sa dati kong school sa batangas, magkaroon man ay puro officers laang ang kasali kaya hindi ko maiwasang ma-excite.

"May naisip ka nang club na sasalihan? Bukas na ang start." Tanong ni Nile sa pinsan habang nilalantakan ang pang himagas.

"Syempre, Dance Club. Although balita ko medyo strict sila, try ko pa rin. Ikaw? Photography pa rin?"

"Ano pa nga ba? Junior pa lang yun na Club ko, haha. Ikaw Liway? Meron na?"

"Wala pa nga eh, maraming magaganda kaya nahihirapan akong pumili."

"Saan ka ba nage-excel? Pwede ring talent para mas madali."

"Ahm, mahilig akong kumanta."

"Talaga? Bakit di mo shina-share sa amin? Singer ka pala,"

"Hindi naman ako gaanong kagaling, hehe."

"Edi sa Music Club ka na, for sure matatanggap ka agad."

"Tingin n'yo? Baka maitsapwera laang ako doon,"

"Hindi 'yan, lalo na nandoon si Elios yieeh, haha."

"Ha? Kasali siya sa do'n?"

"Siya kaya ang President. Actually, Music and Arts Club tyaka Theatre Club hawak niya. Diba judge siya nung nag act kayo sa English?"

"Oo, naalala ko. Dalawang club hawak nyia? Matinde rin ano?"

"Matinde ang alin?"

"Oh Cass, nahuli ka yata?"

"Nag meeting pa kami para sa pags-start ng Club bukas."

"Tungkol saan?" Kumuha muna siya saglit sa kinakain ko bago magsalita.

"Grade 12 ang humahawak ng mga club kaya for sure, hanggang hapon pag-uusapan namin 'yan."

"Speaking of Grade 12, pinag uusapan naman ang Ex nitong si Liway haha." Nginiwian ko si Nile.

Mga ilang linggo lang matapos ang tatlong araw naming pahinga, nalaman ng buong school na hindi naman talaga kami magka-relasyon ni Ser Elios.

Hindi ko na inalam kung saan nalaman dahil wala namang problema 'yon, kaso ang Ser Elios, hindi napigilang magbitaw ng salita.

'I will not confirm it, just shut up and leave her alone.'

Medyo magulo pero effective naman dahil isang araw laang ang lumipas, hindi na ulit yun pinag-usapan.

Siyempre, hindi pa rin mawawala yung mga papansin. Katulad na laang ng powerpuff girls na ang pangalan ay katulad pala talaga ng sa cartoons.

"If its not black magic, I dont know what is anymore"

"True, obvious naman na may kamag anak siyang witch, eww!"

Panay parinig, panay kuda, mga kulang sa aruga! Kaya di ko na lang pinapansin at hinahayaan silang mag aksaya ng laway araw-araw.

"Kung nakikita mong seryoso at strikto sa bahay si Elios, magiging doble yun kapag nag start na ang pagbubukas ng mga Club. Lalo na't siya na ngayon ang Over All President." Uminom siya saglit.

Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]Where stories live. Discover now