Chapter 21: Exam Day

23 5 0
                                    








"Astrophile.... a person who loves stars, astronomy.
Autophile... a person who loves solitude, being alone.
Bibliophile.... a person who collects or who has a great love for books.
Ceraunophile.... a person who loves thunder and lightning.
Chionophile.... a person who loves snow or the cold weather." Saulo ko habang nakatakip ang notebook sa mukha ko.

Kasakit sa utak ng mga phile na a're ah, tapos bente pa ang sasauluhin. Kagaling.

"Cynophile.... a person who loves canines, a dog lover.
Dendrophile.... a person who loves trees & forests.
Discophile... a person who studies and collects phonograph records.
Heliophile.... a lover of the sun" Malakas na saulo ni Nile.

Sabay kaming tumingin ni Angel sa kaniya ng masama.

"Hindi lang ikaw ang tao dito,"

"Lakasan mo pa, hindi pa ako nalilito ng husto." Tinawanan niya laang kami. Tumayo siya at lumapit sa akin.

Mangugulo pa ang luko.

"May joke ako tungkol sa phile,"

"Ano 'yon?"

"Ano ang tawag sa taong addict sa lotion?"

"Aba'y ewan ko,"

"Edi, CETAPHILE hahaha!"

Napangiwi ako dahil nauna pa siyang tumawa sa akin. Inambaan siya ni Angel ng pitik sa tenga.

"Eto, eto. Ano namang tawag sa insektong gumagamit ng lotion?"

"Pag 'yan talaga korni ha,"

"Edi, CENTIPIDE hahaha-"

Di na niya natuloy ang tawa niya dahil talagang pinitik na siya ni Angel sa tenga.

"Masakit naman, pinsan!"

Kumuha ako ng papel at nagdrawing, pagkatapos ay binigay sa kanya.

"Ano 'to? Kandila? Para saan?"

"Ipagdasal mo yung biro mo."

Si Angel naman ang tumawa ng malakas kaya tinignan sya ni Nile ng masama.

"Walang hingian ng sagot mamaya, Ipagdasal pala ha," Bumalik na siya at nag concentrate.

Nagsimula na ulit akong magsaulo nang manahimik siya. Pumasok na ang teacher namin at agad na namigay ng exam. Filipino ang una kaya maning-mani laang sa akin.

Sinundan ng English at kung se-swertehin ka nga naman, nakalimutan ko kung anong tawag doon sa taong mahilig sa pusa.

Lagot ako kay otor, ito pa nakalimutan ko -____-

Luminga ako kay Nile ng hindi napapansin ng teacher namin.

"Oy Nile," Bulong ko.

Huminto siya at tumingin, sumenyas ako ng number 45. Dumila lang siya at umirap.

Aba ang taong a're? Walang malasakit!

Lumingon ulit ako para kulitin siya ng may naramdaman akong presensya sa harapan ko.

"Mind telling me why are you facing at the back?"

"Ah n-nagbabantay laang ho ng nangongopya hehe,"

"Do that again and I will rip your papers into pieces. Gusto mo bang patayuin kita the whole day para bantayan ang mga kaklase mo?"

Bat parang mas gusto ko yun? Joke, hehe.

Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]Where stories live. Discover now