Chapter 38: For Real

18 2 0
                                    








Naalimpungatan ako at hindi ko inaasahan na si Loraine ang bubungad sa akin.

"Hey? Kamusta na? Nahihilo ka pa ba?"

"Hindi na ayos na ako, a-ano nga palang nangyari sa akin?"

"Hindi ko rin alam eh, pinatawag na lang ako ni Elios dito sa clinic. Pinaiwan niya muna ako para daw magdismiss ng maaga sa club natin."

Nakakahiya, parang sobrang halaga ko naman para pauwin sila ng maaga.

"S-Sorry, mukhang nakaistorbo pa ako,"

"Okay lang, nag-alala din naman ako nang malaman kong nandito ka. Pero ikaw ah, akala ko ba hindi siya naging close or sweet sayo? Bakit ngayon official na kayo?" Malungkot niyang tanong.

Naguluhan naman ako pero agad kong naalala yung sinabi ni Ser kanina sa cafeteria.

"Listen! Yes, we've been in a fake relationship before. But right now, I officially making it real."

"Stop shouting will you? I didn't do that for him to let you go, I did that because I mean it."

Napahawak ako sa sentido ko, masasaktan ko ng matinde-tinde 'tong si Ser.

"N-Naku, ewan ko ba do'n. Di ko rin alam trip no'n sa buhay. Wag kang mag-alala, kakausapin ko siya para bawiin yun." Ngumiti naman siya sa akin.

"No need, Elios seems serious about it."

"Bakit? Dahil laang sa sinabi niya sa harap ng maraming tao? Gano'n din naman ginawa niya noon sa amin,"

"No, trust me. Elios somehow think about his reputation dahil na rin sa katungkulan ng Ate niya sa school na ito"

"Ganun?"

"Yup, and doing it twice makes me think that he really mean it. Unlike kay Astrid noon, sinecret lang nila ang relationship nila and nalaman na lang namin nang magpost si Astrid sa Instagram niya."

"Bakit nga pala sila nag break?"

"I dont know, pero there's a certain person daw na naging involve sa break up nila."

"Nakilala niyo?"

"Hindi eh,"

"Baka naman ex niya yo'n na nagbalik, hehe."

"Some says it is but, some says its not. Hindi na rin naungkat dahil sa kagustuhan ni Ms. Gwy na huwag nang pag-usapan pa ang tungkol do'n."

Naging broken pala, yun siguro yung mga panahong naabutan ko siyang nag iinom sa kwarto ng palihim.

Bagong hatak pa laang ako ni Madam no'n at ako ang inuutusan niyang isama yung alak sa grocery. Di niya alam ako nagsumbong sa kanya, hehe.

"P-Pero tingin mo, naka move on na siya?" Natawa sya sa akin.

"I think so. Hindi naman siguro niya ipapaalam sa buong school kung itatanggi din naman niya sa huli, diba?"

"Ewan hehe,"

May narinig naman akong boses sa kalayuan.

"Is she awake?"

"Yes, Mr. Saunders."

Tumayo si Loraine ng buksan ni Ser ang kurtina.

"You can go now, thanks Loraine." Tumango lang ito sa kaniya at ngumiti sa akin pagkaalis.

Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]Where stories live. Discover now