Sanay naman akong pinagtitinginan, sanay din akong pinagchi-chismisan, kaso may kakaiba ngayon eh.
Pagdating ko sa room ay agad akong hinila ng magpinsan paupo, tumama tuloy ng bahagya yung pwet ko sa lamesa.
"Aray ko naman, kalma aba."
"Sorry, sorry."
"Okay, okay." Natawa si Nile sa sagot ko.
"Napaka happy mo na naman, ano ga 'yon?"
"Siguro naman, pansin mong pinagtitinginan ka?"
"Oo nga, may muta ga ako?"
"May panis na laway ka pa." Nakapa ko ang mukha ko.
Hala, humalik pa man din si Elios sa pisngi ko. Bat di nya sinabi?
"Joke lang hahaha!"
Hinampas ko siya sa noo at awtomatiko siyang napatigil.
"'Yan ka na naman! Puputulin ko na talaga yang kamay mo, tsk!"
"Tama na nga 'yan," Natatawang saway sa amin ni Angel.
"Ano nga kasi 'yon? May sinabi ga si Elios na may kinalaman sa akin?"
"Hindi, pero babalik na daw yung ex niya!" Mahina pero pasigaw na sabi ni Angel.
Prinoseso ko naman ang sinabi nya.
"Si Astrid?"
"Oo daw,"
"Ah, oh tapos?"
Kumunot ang noo nila sa akin.
"Di ka nababahala?"
"Di ka nag-aalala?" Magkasunod nilang tanong.
Umiling ako ng dahan-dahan.
"Wow naman! Ang laki ng tiwala."
"Di ko inexpect yung sagot mo ha?"
"Siyempre, napag usapan na namin yan ni Elios kahit papaano,"
"Mabuti yan," Tumango si Nile.
"Well, mukhang darating na yung MAS bagay na girl para kay Elios. Its time for you to pack up, PROMDI." Parinig ng kaklase naming nakulangan sa kilay.
"Edi ikaw ang umalis, MONALISA." Ganti ko at ngumiwi.
"Duh? Ang corny mo,"
Inirapan niya ako at nakipag chikahan ulit.
"Mukhang mas affected pa sila sayo, haha!"
Inilingan ko na laang si Nile habang natatawa. Napansin kong wala si King ngayon, malamang siya susundo sa bestfriend nya.
Napakaliit nga talaga ng mundo ano? Parang noong nakaraaang araw lang tinutukso namin siya. Tapos malalaman ko, siya pala ang isa sa pinag ugatan ng hiwalayan nila Elios at Astrid. Kagaleng din minsan ng tadhana.
"Teka pala, naiwan ko yung pera ko sa bag,"
"Pupunta kang cafeteria ng walang pera?"
"Kaya nga babalik eh, mauna na kayo." Tumango sila at patakbo naman akong bumalik sa room.
Habang naglalakad pabalik ay nagvibrate ang selpon ko kaya kinuha ko 'yon.
From: Bespren Cassidy
YOU ARE READING
Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]
Teen FictionBatangueña: Ang Babaeng may tatlong "M": •MAY Kaingayan. •May Katapangan. •May Pagmamahal na Tunay.