"What happened to her, Braze? This is the second time that you brought her home with wounds!"
"Dont shout, you're disturbing her sleep."
"You are worried to her sleep and yet, you're unbothered to her safety?"
"As if it's my fault,"
"What if it's your fault? You still dont care?"
"Then shut up and let me think."
Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni Madam. Naalimpungatan ako sa sosyalang sigawan ng magkapatid na a're. Umikot ako para matuloy ang tulog ko nang mapasigaw ako.
"Nanay! Masakit! Huhu,"
"Marie! Are you okay?"
Bumangon ako hawak ang kaliwang braso. Napatingin ako kay Ser Elios na may mantsa pa rin ng dugo at punit sa uniporme.
"Natuunan ko laang kaya ako napasigaw, pero masakit talaga."
"What happened ba? This is not funny anymore, who did this to you?"
Kwinento ko muna sa kaniya na naiwan ako sa room para gumawa ng essay.
"Oh dear, stop telling us about your essay and jump on what happened to you."
"Ay sorry hehe, akala ko interesado kayo sa essay ko eh." At dahil nga inip na ang isang a're, kwinento ko na.
"Is that a man or woman?"
"Hindi ko matukoy eh, basta ang alam ko'y may nilagay siya sa dibdib ko---ay teka! Yung papel!"
"Damn, dont shout."
May kinuhang papel si Madam at pinakita sa akin.
"It says that 'someone is looking you from a far, being alone is the dangerous part'" Nanlaki ang mata ko.
"Aba'y di ibig sabihin, dapat daw lagi akong may kasama?"
"Tsh. That's not the point here, batangueña."
"We need to put an action right now, or else baka mas mapahamak ka pa."
Iniwan muna nila ako saglit at nag usap. Napabuntong hininga ako at nag isip rin ng pwedeng paraan.
Bakit nga gay'on ang mga tao, ano? Handang manakit ng iba para laang sa sarili nilang kapakanan, eh wala naman silang karapatan? Maling bakuna ata ang naibigay sa mga 'yon.
Sinubukan kong tumayo pero napahinto rin dahil sa pagbukas ng pinto.
"Hey, hey, dont force yourself."
"Uy D-Dal hehe."
"Okay ka na ba? Wala na bang ibang masakit sayo?"
"Ayos na ako, nagamot na naman a'reng sugat ko. Bakit ka nga pala narine? Gabi na ah?"
"Elios told me what happened, kaalis ko lang sa school ng mangyari 'yon kanina. How I wish I stayed longer para mahuli ko kung sino gumawa sayo niyan." Dumale na naman ang ka-sweetan nang isang a're.
"Ayos laang 'yon, natulungan pa din naman ako ni Ser eh."
"Anong tingin mo doon sa gumawa niyan? Babae o lalaki?"
"Hindi ko masyadong natignan ng--"
"Its a woman." Singit ng mukhang singit.
"How did you say that?"
YOU ARE READING
Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]
Teen FictionBatangueña: Ang Babaeng may tatlong "M": •MAY Kaingayan. •May Katapangan. •May Pagmamahal na Tunay.