Chapter 71: Jowa's Duty

9 2 0
                                    












"I wish I could come back,"

"Ayos laang 'yon, marami ka pang pagkakataon para bumalik,"

"So, how's Elios out there?" Tinanaw ko naman yung isa.

"Hindi ka maniniwala, nagpuputol siya ng damo ngayon,"

"What? Hahaha, why?"

"Utos ng Itay. Ewan ko ba, para ngang trip niyang pag gawain si Elios sa buong bahay,"

"Damn, I wish I could witness that right now hahaha,"

"Ang sama mo," Tumawa ulit siya.

"I think normal lang naman 'yan, maybe your father testing his patience and obedience,"

"Para saan naman?"

"Siyempre, that's one of your father's way para malaman kung seryoso siya sayo,"

"Naks naman, saan mo nalaman 'yan?"

"Let say na, expected na namin na mangyayari 'yan,"

"Ay siya sige, bigyan ko muna ng tubig 'yon,"

"Hey wait, can you take a picture of him doing household chores?"

"Wag ka nga diyan,"

"Hahaha, just kidding. See you soon,"

"Sige, bye,"

Nang makakuha ako ng malamig na tubig ay dumampot na rin ako ng bimpo para sa pawis niyang tumatagaktak na.

"Oy, tubig muna," Mahina kong alok. Ngumiti siya sa akin at tinanggap 'yon.

"Thanks,"

Mukhang kanina pa siya uhaw dahil naubos niya ang isang basong tubig.

"Pagod ka na ga? Dine ka muna sa kubo,"

"Im fine, I need to finish this before your father came back," Ngumuso ako.

"What's with the pout?" Natatawa niyang tanong. Lumapit ako at pinunasan ang pawis niya.

"Parang napasama pa ang pagpunta mo dine eh, di ka naman sanay sa gay'an,"

"Its okay, Im willing to obey whatever your father commands,"

"Eh? Ayoko naman no'n, boyfriend kita at di ka alila," Ngumiti siya at mabilis akong hinalikan sa ilong.

"I love you and your family deserve a service from me," Di ko maiwasang ngumiti dahil sa kilig.

"Sige, kung hindi mo kayang tapusin wag mong pilitin ha? Kahit ako na tumapos,"

"As if I allow that," Ngisi niya at pinaupo ulit ako sa kubo.

Di ko makalimutan ang biglaang pagbabago ng Itay kay Elios. Bago kami mag meryenda kahapon ay pinagbuhat niya ito ng mga panggatong para sa kalan sa kusina, nang mag gabi naman ay pinag igib niya ng tubig.

Ngali-ngali ko namang pigilan ang Itay pero paulit-ulit niyang sagot sa akin ay:

"Hayaan mo, nang matuto,"

Hiyang-hiya ako sa kaniya ng lapitan ko siya bago matulog kagabi. Umamin naman siya sa akin na nagulat siya, pero handa niya daw gawin yung iutos sa kaniya ng Itay.

"Liwayway," Pumunta ako ng kusina.

"Bakit ho?"

"May nakuha akong gulay kanina, gataan mo. Haluan mo na rin ng hipon kapag nadala na dine ni Junior," Sumilip siya sa labas.

Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]Where stories live. Discover now