Naalimpungatan ako sa lamig ng hinihigaan ko.
Nasaan ako?
Unti-unti akong umupo, madilim pa rin ang paligid pero nakikita ko na may liwanag naman mula labas.
Teka? Labas?
Tumayo ako at naglakad kahit wala akong makita, pinuntahan ko ang pinakamalapit na bintana.
"Tulong! Tulong!" Pinaghahampas ko ang bintana.
Paano ako napunta rine?!
Inalala ko ang nangyari kanina. Kinausap ako ni Ateng Rapunzel, naligaw daw kami, may humatak sa akin papasok kung saan, tinakpan niya ako ng panyo pero nabitawan niya rin kasi inapakan ko siya, tapos tumakbo ako, tapos.. tapos.. ano pagkatapos?
Wag mong sabihing nahabol niya ako? Kinulong niya talaga ako?
Tumingin uli ako sa labas at medyo malayo ang kinatatayuan ko mula sa gymnasium.
Malaman ko laang ang may gawa nare, talaga namang masusuntok ko.
Nag ikot-ikot ako sa loob kahit wala akong makita, naghanap ako ng pwedeng ipang hampas sa bintana.
"Aray!"
Natalapid ako at tumama ang ulo ko sa matigas na bagay.
"Ansakit, huhu,"
Hindi ka tanga Liway ha? Madilim ang paligid, wag sisihin ang sarili.
Nang may nakapa akong kaya kong buhatin ay bumwelo ako papunta sa bintana. Isa, dalawa, Tatlo--
"Hiyaaaaaaah!" Nag crack ang bintana.
Yun! Maige naman at may pakikisama ka.
Ilang ulit ko pang binato ang hawak ko pero napatigil din ng mapansin kong nabawasan na ang ilaw ng gymasium.
Hala? Uwian na ga? Di man laang ako hinanap ng mga iyon?! Grabe, di ko sila papansinin sa Lunes!
Pinunasan ko ang pawis ko na nanlalagkit na dahil suot kong a're. Isa pang malakas na bwelo at binato ko ng buong puso at kaluluwa ang bintana.
Nagtitinalon ako nang tuluyan nang nabasag ang bintana. Inalis ko muna ang mga bubog tyaka umakyat at lumabas. Kahit medyo nahihilo pa ay tumakbo ako habang naka paa papunta sa gymnasium.
(Dalphon Luke P.O.V)
"Saan niyo siya huling nakita?" Tanong ko sa magpinsan.
"Napansin ko na tumayo siya pero hindi ko alam kung saan siya pumunta."
"Ako naman, sinundan ko siya ng tingin kaya alam kong drinking station ang punta niya. Nang makita kong may kausap siya nilayuan ko na ng tingin."
Were here at our table and it's almost one hour ng mapansin namin na wala sa amin ang kasama ni Liway.
This is my fault, Im her date but I let her gone without knowing. I turn my gaze to Elios and I can see that he was pissed because of what happened.
Pissed not because he is worried, but because he will surely a dead meat if her sister would find out. He told me the whole story earlier.
Its already 12:00 midnight and students starting to leave the gymnasium, nagbawas na rin ng mga ilaw.
"Kung yung inuupo natin dito ay pinaghahanap na natin siya, may nangyayari. Malay niyo, may nang-trip sa kanya?"
"Who else? May kaaway ba siya?" Tanong ko kay Cass.
YOU ARE READING
Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]
Ficțiune adolescențiBatangueña: Ang Babaeng may tatlong "M": •MAY Kaingayan. •May Katapangan. •May Pagmamahal na Tunay.