Chapter 40: Mrs. Pres

14 3 0
                                    









"Ang pag ibig nga naman,"

"Fake to real, oh yes!"

"Sana all nagco-comeback, hahaha!"

Pinilit ako nila Cass na magsabay-sabay kami para daw maka chisimis sila ng personal.

Gay'an dapat, lumalapit ka sa nachi-chismis para hindi namamali.

"Takte, 'di ko inaasahan yun ah? Si Elios pa mismo ang umamin? Sabagay, noong nasa resort nga binantaan niya na ako agad, haha."

"Bakit? Anong sabi sayo?" Tanong ko kay Nile.

"Teka ano ba 'yon?... Ay ganito sabi!" Umubo-ubo pa sya ng konti.

"Not now but soon. So dont interfere anymore, cause I can make it real." Gaya niya pa pero hindi naman kuha boses ni Ser.

"Panis! Hahaha!"

Nagtawanan sila ng malakas kaya ang sama ng tingin sa amin ng kabilang lamesa.

"Nag date na ba kayo?" Usisa ni Angel.

"Oo kahapon,"

"Saan kayo pumunta?"

Automatic akong napangiti ng bumalik ang eksena sa isip ko kahapon.

"Ay hala? Tinatanong ko lang, di na nakasagot sa kilig." Kinurot pa ako ni Cass sa tagiliran.

"Masakit oy!"

"Landi eh," Tatawa-tawa niyang sabi sa akin.

"Oh my gosh, kahit kaibigan niya nire-realtalk na siya."

"True, pag hindi siya nakahalata ewan ko na lang."

Sabay-sabay kaming napalingon sa dalawang magkaibigan na ito sa kabilang lamesa.

"Aheem! Ano yun mga Miss?" Maangas na tanong ni Cass.

Ngumiti ito ng peke bago sumagot.

"Wala naman, nag uusap lang kami about sa isang tao."

"Ah, tungkol ba dito sa katabi ko?"

"Oh haha, masiyado bang tugma?"

"Hindi, masyado kayong obvious."

Sinipa niya ng marahan ang upuan malapit sa kanila kaya natapon ang mga inumin nila.

"Kyaaaaaah!"

"Hoy Cassidy," Mahina kong suway dahil paniguradong gulo 'to.

Sinamaan nila ng tingin si Cass at akmang susugurin pero pinigilan ko.

"Tama na Miss, 'wag mo nang dagdagan ang kasalanan mo sa amin."

"What? Huh! Baka yung kaibigan mo ang may kasalanan?"

"Kung hindi kayo nagsasabi ng kung ano-ano, aba'y di sana maayos tayo ngayon."

"Ewww! Wag ka ngang magsalita, ang baduy."

Ang pusanggala, mas maarte pa 'to kay Blossom ah?

"Ewww! Wag ka ngang huminga, ang baho." Gaya ko sa kaniya kaya mas lalo siyang nanggalaiti.

"Wow, coming from you promdi?"

"Oo bakit? Natural toothpaste namin sa batangas, di tulad sa inyo puro kemikal."

"My gosh, yung attitude mo hindi man lang na reach ng kay Elios. Hintayin mo lang pag nakita mo si Astrid, baka manliit ka sa sarili mo!"

Pinanlakihan niya pa ako ng mata bago banggain sa balikat. Nakaramdam naman ako ng pagsikip ng dibdib sa sinabi niya.

Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]Where stories live. Discover now