"Hoy!"
"Ay exam!"
Tinignan ko ng masama si Nile ng hampasin niya ang lamesa ko.
"Kanina mo pa kasi hawak 'yang cellphone mo, nandiyan ba yung sagot sa exam?"
"Anla'y kausap ko yung kasama ko sa scholar, sabay-sabay daw kaming mag review mamaya."
"First day na ngayon ng exam ah? Bakit ngayon lang?" Tanong ni Angel.
"Ewan ko dine, nahirapan daw sila sa mga test kaninang umaga eh,"
"Sama kami?" Excited na sabi ni Nile.
"Manggugulo ka lang eh," Sabat ni Angel.
"Grabe ka pinsan, gusto ko lang maranasan mag group study."
"Diba nag group study kayo kagabi?"
"Iba 'yon, ibang study 'yon haha! Gusto niyo i-share ko?" Napangiwi kami ni Angel sa sinabi niya.
"Hindi na, baka mahampas laang kita ng libro,"
"Sasabihin kita kay Tita. Pag ikaw nakabuntis,"
"Ang o.a niyo naman. Ano bang iniisip niyong ginawa namin kagabi? Ang green niyo, tsk."
Inismiran na laang namin siya at nagtuloy sa pagre-review.
Pagkatapos ng panghapon na exam ay pumunta na ako sa pagre-reviewhan namin. Muntik pa akong maligaw dahil medyo sa dulo na ng school ang lugar na a're.
Nakita ko naman ang mga ilang estudyante na nagkukumpulan sa harap ng medyo may kalakihang kubo.
"Liwayway Abante, diba?" Tumango at ngumiti.
"Im Erica Pawig, Leader ng Scholar Committe," Nakipagkamay siya.
"Pasok na tayo?" Tumango ako at sumunod sa kaniya.
"Guys! Si Liwayway Abante nga pala, co-scholar natin,"
"Hello,"
"Welcome,"
"Magandang hapon,"
"Magandang hapon sa inyong lahat," Bati ko ng nakangiti.
Pinaupo ako ni Erica sa kabilang table, mesa para sa grade 11. Pinaghiwalay daw dahil magkakaiba kami ng pinag-aaralan, para na rin kapag may tanong kami ay pwede nilang masagot.
"Introduce yourself, ngayon ka lang namin nakasama eh," Sabi sa akin nung lalaking may magandang ngiti.
"Ah oo, sige. Ako si Maria Liwayway Abante, Labingwalong taong gulang."
"Sino nagrecommend sayo dito na mag-aral?"
"Si Mad--Si Cassidy Reign, yung grade 12. Bestfriend ko siya,"
Hindi ko na binanggit si Madam at baka humaba laang ang tanungan namin imbes na mag review.
"Ah, si Ate Cass pala. Ako si Roldan, eto si Jezza, si Joy, si Rina, si Mikee, Jane, at Marianne." Tumango sila at bumati.
Inumpisahan namin ang pagre-review mula sa mahirap na test para bukas, ang walang kamatayang MATH.
"Ito ang last test para bukas. Pwede nating madaliin pero lagapak ang grade natin panigurado,"
"So, para mas matandaan natin ang formula, magbibigay ako ng problems and sasagutin natin siya isa-isa. Okay lang ba?" Tanong ni Marianne sa amin. Tumango kami at pinaalalahanang wag mahiyang magtanong.
YOU ARE READING
Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]
Teen FictionBatangueña: Ang Babaeng may tatlong "M": •MAY Kaingayan. •May Katapangan. •May Pagmamahal na Tunay.