Hindi ko alam kung paano kakausapin si Elios kinabukasan, lalo na't ka-aayos lang namin kahapon. Pinilit kong maging masigla kahit kating-kati na ako magtanong.
"A-Anong oras ka natulog kagabi?" Napahinto siya sa paghigop ng kape.
"A little bit late, why?"
"Wala naman. Para kasing may narinig akong ingay kagabi, baka naistorbo ka,"
"No, Im not. You? Did you sleep well?"
"Oo naman, okay ako kagabi,"
"Good," Ngumiti siya at tinuloy ang pagkakape.
Wala talaga siyang balak sabihin sa akin.
Tumayo ako kahit konti pa lang ang nakakain ko.
"You're done?" Gulat niyang tanong at tumayo din.
"Oo, may kailangang tapusin sa school eh,"
"Okay then,"
Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming sumakay sa kotse. Nasa parking lot na kami ng may sagutin siyang tawag.
"Im here.... Yes..." Bahagyang siyang tumingin sa akin.
"Y-Yeah... okay.. Bye." Humarap siya sa akin at sinuot ang bag.
"I need to go somewhere, c-can I go first?" Tumango ako.
"Oo sige, mukha namang importante ang pupuntahan mo," Ngumiti siya pero halatang pilit.
"Y-yeah, kinda,"
Humalik siya sa pisngi ko bago bumaba at muling tumawag sa iisang taong nasa isip namin. Lumunok ako at bumuntong hininga bago bumaba.
Tahimik akong naglalakad ng may biglang humawak sa magkabilang balikat ko mula sa likod. Napatigil ako at bumilis ang tibok ng puso ko.
Wag mong sabihing holdaper a're?
"Hey? Are you okay?"
Kunot noo akong lumingon at sinamaan ng tingin si Dal. Hinampas ko siya ng pabiro.
"Bwisit ka, akala ko holdaper,"
"Seriously?" Natawa ako sa reaksyon niya.
"Bat ga hindi mo na laang ako tawagin? Lagi ka na lang nang gugulat eh,"
"Nothing, gusto lang kitang makitang mapasigaw sa gulat," Nginiwian ko siya.
"Grabe siya,"
"Haha. By the way, where's your JAGI?" At talagang diniinan niya pa ang huling salita.
"Nauna na, may pupuntahan pa daw siya saglit,"
"Tss, more important than you?"
"Siyempre, hindi naman ako lagi ang dapat niyang inuuna,"
"Kaya okay lang kahit iba ang unahin niya?" Napalingon ako.
May alam ba siya? O napapansin rin niya?
Ngumiti siya sa akin ng hindi ako sumagot.
"Wag mo na ngang pansinin, sabay tayong maglunch?"
"Sige, matagal-tagal ka na ring di nakakasabay sa amin eh,"
Hindi niya na ako nahatid ng tuluyan sa room dahil nakasalubong niya ang mga kaklase niyang naghahabol rin ng lesson.
YOU ARE READING
Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]
Teen FictionBatangueña: Ang Babaeng may tatlong "M": •MAY Kaingayan. •May Katapangan. •May Pagmamahal na Tunay.