[Watch out sa wrong grammars😆]
Kahit wala akong gaanong makita ay patuloy ako sa paglalakad, ilang bulyaw na rin ang natanggap ko pero wala akong pake.
Muli akong bumangga sa isang bulto ng katawan, mabilis akong tumayo at naglakad habang nagpupunas ng luha.
"What...happened?"
Napamilyaran ko ang boses niya kaya lumingon ako at yumakap.
"D-Dal,"
Gumanti siya ng yakap at hinagod ang likod ko.
"Why are you crying?"
Napahiwalay ako sa kaniya ng tumunog ang first bell.
"A-Alis na ako,"
"No. You badly need a shoulder,"
Hinila niya ako at patakbo kaming pumuntang parking lot.
Pinilit kong wag umiyak habang nasa biyahe pero panay pa rin ang patak ng luha ko. Hindi ko alam kung nasaan kami pero sumunod ako kay Dal ng bumaba siya.
Tumigil kami sa malawak na damuhan sa ilalim ng puno, binigyan niya ako ng tubig at panyo na hindi ko tinanggihan.
"Cry as if Im not here,"
Pinagdikit ko ang mga tuhod ko at umiyak.
(Dalphon Luke P.O.V)
I looked at her while listening to her sobs. Niyakap ko siya at pinasandal sa dibdib ko. Gusto ko mang magtanong ay pinili ko na lang tumahimik.
Nang huminahon siya ay humiwalay ako sa kaniya at inayos ang nagulo niyang buhok. Pumikit siya at pinunasan ang luha.
"M-May napapansin ka rin ga sa kanila?"
My forehead creased for a second before answering her.
"You mean, them?" She nodded and opened her eyes.
"Well, sort of. I haven't talked to Elios this past few days, nawe-weirduhan ako sa kanila pero hindi ko 'yon binigyan ng malisya," Malalim siyang nagbuntong hininga.
"N-Nakita namin ni King na hinalikan ni Astrid si Elios. T-Tapos wala man laang siyang ginawa," Humigpit ang kapit ko sa panyong hawak ko.
I knew it. Damn you, Elios.
Hindi ako nagsalita at pinagmasdan siya. Muli niyang pinunasan ang mga luha at inubos ang tubig. Tumayo siya at tinapon sa malayo ang bote.
"Bwisit ka! May pagalit-galit ka pa tapos, may ginagawa pala kayong kababalaghan?!"
Hindi ko naiwasang matawa sa term niya. Lumingon siya sa akin ng nakakunot ang noo.
"Tinatawa-tawa mo?!" Tinaas ko ang dalawang kamay ko.
"Chill, maglabas ka lang ng saloobin mo,"
Dumampot siya ng bato at tinapon ng malakas kaya na-out balance siya. Napasubsob siya sa pababang part ng damuhan.
"Shit!" Tumakbo ako at agad siyang binuhat patayo.
"A-Aray," Angil niya habang nakalukot ang mukha dahil sa sakit.
Umupo ulit kami sa ilalim ng puno at tinaas ko ang mukha niya.
"You got bruises," Ngumuso siya at nagsimulang humikbi.
YOU ARE READING
Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]
Teen FictionBatangueña: Ang Babaeng may tatlong "M": •MAY Kaingayan. •May Katapangan. •May Pagmamahal na Tunay.