Chapter 27: Ay Buko

22 3 0
                                    










Sabay-sabay na kami nila Kapitana na pumunta sa bahay nila Manong Diego at nagulat sila ng makita sina Madam.

"Kayo ho pala Maam Gwynette, Sir Elios. Tuloy po kayo." Pinaupo niya kami sa loob ng bahay nila at tinatapatan ng electricfan.

"Sakto ho ang daan niyo sa amin."

"Where's your apo Manong Diego? Can I see him? Or her?" Excited na tanong ni Madam.

"Ay teka, tawagin ko lang po ang anak ko."

Lumabas siya saglit at bumalik ng may kasamang babae, may buhat siyang batang may pagkatabang pisnge.

Nang! Ang cute nang batang a're!

"Oh my, she's so cute hihi. Can I carry her?"

"A-ah sige po Maam Gwynette. Pasensya na po kung medyo madumi ang damit, sinubuan po kasi ng lola niya"

"I dont mind it, she's still adorable" Kinuha nya ang bata at himalang hindi umiyak.

"Hello there little beannie, Happy Birthday" Sinayaw sayaw niya pa ito. Hinawakan namin ang kamay nang bata at binati rin.

Nakakatuwang panoorin si Madam, tingin ko magiging mabuti siyang Ina sa future.

"Kain po muna kayo Maam," Alok ni Manong Diego.

Ayun ang kanina ko pang hinihintay.

Binalik naman ni Madam ang bata sa Nanay niya.

"Here you go, wait for my presents later, okay?"

"N-naku, salamat po Maam."

"Its nothing, her cuteness is more than a single present."

Binigyan na kami ng pinggan at pumili ng makakain. Una kong dinampot ang shang-hai na nasa tabi ni Ser kaya naman bahagyang akong napasubsob sa kanya. Tinaasan nya ako ng kilay.

"Shang hai is life, hehe." At kumuha ako ng lima. Oo lima, para malasahan ko ng mabuti.

Sunod ko namang kinuha ay ang pancit at hanep, may pa lechon si Manong Diego! Di ko pa nararanasan 'yan, baka hanggang kasal menudo lang makayanan ko.

Tabi-tabi kami sa upuan na mahaba at nagkanya-kanya. Masaya akong kumakain ng lechon ng may magaling na nakaalala sa akin.

*cough cough cough*

"Get her some water, Braze."

"Im eating."

"She's choking for pete's sake, go."

"Tss,"

Tumayo siya at inabutan ako ng tubig na akala mo bata ang iinom. Kesa sa mamula na kauubo ay ininom ko na kahit hanggang sikmura lang ang inabot.

"Ang daming tubig, nalunod ako." Inirapan niya ako at tumuloy sa pagkain.

Nagpaalam naman kami pagkatapos at bumalik sa resort. At dahil nga nakakain na ng tanghalian ay nag ikot-ikot kami para matunawan. Hindi namin kasama si Madam na nasa loob ng hotel at may inaasikaso.

"Mag kite surfing tayo?" Masayang yaya ni Nile.

"Sige ba,"

"Sige try natin,"

"Ikaw ba Elios?" Tanong ni Cass sa kasama kong naka halukipkip at nakatingin sa dagat.

"Maybe later."

Once Upon A Batangueña Story (Ala Eh!) [COMPLETED]Where stories live. Discover now